EPISODE 17- BETRAYAL

337 8 0
                                    

3 YEARS AFTER

"Katleah!.. Sandali!.."

Napatigil siya sa paglalakad ng marinig niyang may tumatawag sa kanya. Nang lingunin niya ito ay nakita niya si Marie na humahangos habang malalaki ang mga hakbang na papalapit sa kanya. "Pwede ba kitang makausap sandali?, doon sa may coffee shop sa labas nitong University natin nalang tayo mag-usap ng maayos."

"Bakit? wala akong oras.. Kailangan ko nang umuwi ngayon para mag-aral, may exam pa ako bukas."

"Kailangan mo pa ba yan? Simula ng pumasok ka dito sa University, Ikaw lagi ang nangunguna. Lahat ng professor bilib na bilib sa katalinuhan mo, kaya pwede bang mag chill chill ka na lang muna kahit sandali , Sister?"

Saglit siyang natigilan ng tinawag siya nitong sister. "Sabihin mo na kung ano ang kailangan mo Marie nagmamadali ako. "

"Umaasa ka pa bang susunduin ka ni Kuya? Hindi mo ba alam na magkasama sila ngayon ni Sandra?"

"Anong ibig mong sabihin?'' nakakunot-noong tanong niya dito.

"Well, dahil hindi ka naman sasama sa akin para magcofee sa labas, bibigyan nalang kita ng tip. Room No.403 SHANGRILA HOTEL, 9pm, diyan mo malalaman kung ano ka sa buhay ng kuya ko."

"Hindi ko na kailangan pumunta. Malaki ang tiwala ko sa kuya mo. Kahit magkasama sila ni Sandra wala akong pakialam. Mahal niya ako at sapat na sa akin iyon." matapang niyang sagot kay Marie.

"Huh! Ewan ko sayo.. Matalino ka nga, tanga kanaman pagdating sa pag-ibig. Ikaw ang bahala, at least sinabihan na kita. Huwag mo akong sisihin sakaling malaman mo na nauntog ulit ang ulo ni kuya at narealized niyang si Sandra talaga ang Mahal niya." inirapan muna siya nito bago padabog na umalis.

Naiwan siyang nakatulala sa labas ng gate ng university na kanyang pinapasukan. Sa tatlong taon na pagsasama nila ni Marco, alam niyang Mahal na Mahal siya nito. Kahit pa na minsan nag-aaway sila dahil sa pagseselos nito kay Raven pero agad naman nilang nasesettle ang kanilang problema. Sumasama lang naman siya kay Raven dahil inaalam niya kung ano ang ugnayan nilang dalawa bilang Colster. Ngunit hindi niya magawang sabihin ito kay Marco sa takot na masisira lahat ng mga plano niya. Hindi niya alam kung sino ang mastermind sa pagkamatay ng kanyang mga magulang. Pero ano nga ba ang mayroon sa SHANGRILA HOTEL?

"Beeeeeeepppp!!" Agad siyang nakabawi mula sa malalim na pag-iisip ng marinig niya ang malakas na busina ng sasakyan.

"Ma'am Katleah!" tawag sa kanya ni Mang Edwin ang kanyang personal Driver. "Nandito po ang sasakyan. Masyadong malalim po yata ang iniisip niyo at nalagpasan niyo nalang ako."

"Ah, Mang Edwin kayo po pala, Pasensya na kayo ha, hindi ko kayo kaagad nakita. Medyo na stress kasi ako ngayon dahil Final Exam na namin bukas." pagdadahilan niya.

"Naintindihan ko naman yon Ma'am Katleah, at least ngayong taon ga graduate kana."

"Oo nga ho eh, ang bilis lang ng panahon. Mabuti naman mang Edwin kayo ang sumundo sa akin."

"Opo Ma'am sinabi kasi sa akin ni Sir Marco na ako lang daw muna ang susundo sa inyo dahil may Business Meeting pa siya sa Shangrila Hotel."

Maya-maya pa ay tumunog ang kanyang cellphone at si Marco ang tumatawag. "Hello babe? nagkita na ba kayo ni Mang Edwin?"

"Yes babe, pauwi na kami ngayon." agad niyang sagot sa asawa.

"Good. Huwag mo na lang akong hintayin mamaya okay? Medyo matatagalan ang business meeting ko ngayon with foreign investors. Sa labas na ako mag dinner. I love you sweetheart. Mmmwaa."

"Segi, I love.....," hindi na niya tinapos pa ang "you too" na karugtong dahil naputol na kaagad ang linya. Sana Marco, hindi ka nagsisinungaling sa akin. Dasal ng isipan niya.

LOVE RETRIBUTION AFTER DIVORCE (She's a demon king's angel)Where stories live. Discover now