EPISODE 44 - SECOND CHANCE

138 2 0
                                    


Malaki ang aking mga hakbang pabalik ng mansion. Nasa kalagitnaan pa lang ako ng hallway ng bigla akong sinalubong ni Drako at may balak pang kunin si Amarah mula sa mga bisig ko.


"Reina Águila, ¿Qué te pasó?" Reyna Aguila, Anong nangyari sa inyo?" nagtatakang tanong ni Drako habang sinusundan ako. Kahit spanish ang pananalita nito ngunit naintindihan ko pa rin kung ano ang tinatanong niya. Alam kong nag-aalala lang siya kay Amarah, ngunit ayaw kong maudlot ang paggamot ko sa mga sugat niya. Nilingon ko si Drako at tinapunan ng matalim na tingin na nagpapahiwatig na huwag akong sundan. Mabuti naman at mabilis naman itong nakakaintindi. Agad kong tinakbo ang hagdan paakyat at tumungo sa aking silid. Maingat kong pinahiga si Amarah sa kama at hinubad ang damit na suot niya. Kumuha ako ng face towel at nilublob yun sa maligamgam na tubig na nasa maliit na palanggana. Pagkatapos ay agad ko namang piniga iyon bago ipunas sa buong katawan ni Amarah.


Pinagmasdan ko ang kanyang katawan, may mga ilang parte sa kanyang tiyan na may mga galos at sugat. Mas malubha ang sugat sa kanyang dalawang binti dahil may mga bahagi pa ng balat niya na natanggal. Mabuti nalang at magaling si Amarah sa pakikipaglaban, kung nagkataon baka naubos ng pinagpiyestahan ng mga mababangis na hayop ang kanyang katawan.


Pagkatapos kong punasan ang katawan ni Amarah,agad kong pinasuot sa kanya ang damit ko dahil wala siyang dalang damit kanina. Nilagyan ko na rin ng bendahe ang dalawang binti niya na may sugat, after kong linisin gamit ang betadine.


Nasabunot ko ang aking buhok ng makitang hindi pa rin nagkamalay si Amarah, sa kabila ng isang oras na paghihintay ko na magising siya. Natataranta na kinuha ko ang cellphone at tinawagan ang kaibigan kong Doctor. Saglit muna akong lumabas ng silid at tinawag si Troy.


"Boss ipinatawag niyo daw po ako?" tanong agad ni troy ng makalapit na sa akin.


"Troy, bilisan mo, sunduin mo muna si Dr. Nicolai, sa bahay niya. Kailangang magamot ang mga sugat ng asawa ko." natarantang utos ko kay Troy.


"Masusunod kaagad boss." agad na tumalima ito pagkatapos magpaalam sa akin.


Bumalik ako sa aking silid. Nang makita kong nagising na si Amarah, mabilis akong lumapit sa kanya.


"Amarah, kumusta na ang pakiramdam mo? Nag-alalang tanong ko.

Hindi siya sumagot, bagkus, puno ng pagtataka ang kanyang mga mata na nakatingin lang sa akin.


"Lumapit ka," Mahinang utos niya sa akin habang pilit inaabot ang mukha ko.


Bahagya naman akong yumuko para maabot niya ang aking mukha. Ganun na lang ang pagkagulat ko ng bigla niyang tinanggal ang mask ko. Huli na para pigilan ko siya dahil nalaman na niya ang lihim ko. "Bakit ba nakalimutann ko na ako pala si Demon king?


"Marco?" Ang hindi makapaniwalang sambit niya sa pangalan ko.


"B..Babe, magpapaliwanag ako, pakinggan mo muna ako please..." natataranta na pakiusap ko. Nakita kong panay ang pag-iling ng ulo niya at bakas sa kanyang mga mata na nasasaktan siya dahil sa ginawa ko sa kanya.

LOVE RETRIBUTION AFTER DIVORCE (She's a demon king's angel)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora