EPISODE 52 - LIFE IN PRISON OR DEATH?

155 4 1
                                    


SAMANTALA, kakatapos lang lusubin ng grupo ni Marco ang ang grupo ng mga Vendetta Cartel, isang underground organization na kilala sa human trafficking at Drug dealers. Sa loob ng tatlong araw halos kalahati na ng mafia organization ang nawasak nila. Puno ang hideout ng Vendetta Cartel ng mga nakakalat na bangkay, dumanak ang dugo sa kahit saang sulok ng hideout at tanging ang lider lamang nila at ibang mafia bosses na kusang sumuko ang natitirang buhay.

Galit na galit si Marco at nanlilisik ang kanyang mga mata habang nakatayo sa harapan ng lahat ng mga mafia bosses na ngayon, nakaluhod na sa sobrang takot. Kalahati sa kanila ay sumuko at ayaw ng lumaban pa. Ang mga huling nagsidatingan na mafia bosses upang tumulong sana sa mga vendetta ay lumuhod na rin ng masaksihan ang karumal-dumal na pamamaraan ni Marco sa pagpatay. Lahat ng mafia bosses na lumaban sa kanya ay halos pugot na rin ang mga ulo, ang iba, halos nag hiwa-hiwalay ang mga kamay at paa sa kanilang mga katawan. Hindi nila lubos maisip na ganito pala kabangis ang pumalit na Demon King. Kahit puno ng dugo at sugat ang buong katawan ni Marco, hindi pa rin nababawasan ang tapang at nakakatakot na aura ng pagiging Demon King niya.

"Kayo! Gusto nyong kalabanin ako!? Sagot!"

"Hindi, Demon King! Patawarin ninyo kami, nalinlang kami ni Alex Montenegro. Pinaniwala niya kaming wala kang kakayahan na kalabanin siya," sagot ng isa, na namumutla na sa sobrang takot.

"Tama yan Demon King, Niloko niya kami, tutulungan ka namin upang hanapin siya, huwag mo lang kaming patayin," ang naiihi sa takot na pagmamakaawa na rin ng isang mafia boss.

Ngayon, naintindihan na nila kung bakit si Marco Dela Vega ang pumalit na Demon King dahil kayang-kaya nitong patumbahin gaano man kalaki ang isang organisasyon na gustong kalabanin siya. Isang napakalaking pagkakamali ang ginawa nilang pag traydor sa kanilang Demon King. At ngayon lahat sila ay nakasaksi kung gaano kabangis at ka demonyo ito pagdating sa pakikipaglaban. Ngunit habang hindi pa huli ang lahat, gusto nilang bumawi sa kanilang demon king.

"Walang mangyaring masama sa inyong lahat, kung susundin ninyo ang aking bawat sasabihin! Gusto kong malaman kung sino sa inyo ang nakakaalam ng tunay na pagkatao ni Alex Montenegro!" galit na sigaw ni Marco habang matalim na nakatitig sa kanila.

Agad na nagkatinginan ang lahat ng mga nakaluhod na mafia bosses. Ang iba, nagtatanong ang mga mata, ang iba naman waring nag-aalangan pa kung sasabihin o hindi, mayroong iba naman na parang lumilipad ang utak sa hangin at halatang wala talagang alam kung sino nga ba si Alex Montenegro.

Bang! Bang! Bang!

Nanginginig na agad na humarap ang lahat ng mga mafia bosses ng marinig ang mga putok ng baril ni Marco. Akala nila, sila na ang tinamaan dahil sa direksyon nila nakatutok ang baril nito.

"Putang Ina! Putang Inaaaaa! Gusto nyo bang pasabugin ko lahat ng mga bungo niyo sa harapan ko!? Fuck! Isa kayong pumpon ng mga ungas! Hindi nyo kilala si Alex Montenegro ngunit parang aso kayong sumusunod sa lahat ng mga inuutos niya! A bunch of idiots! Paano kayo naging mafia boss, ubod kayo ng katangahan!" puno ang tenga ng mga mafia bosses sa pagmumura ni Marco. "Ano huh! Wala man lang bang kahit isa sa inyo ang magsasalita?! Gusto nyo talagang sasampolan ko pa ang isa sa inyo!"

"Hoy! Tangina naman, sabihin nyo na kung sino ang nakakakilala sa kanya! Ikaw Kintoy,, sabihin mo na, ikaw lang naman ang kinakausap niya sa telepono di ba?"

"Tangina, Boknoy, ako pa ang tinuturo mo, hindi ko nga nakikita yun eh, at sinabi mo na mismo na sa telepono lang kami nag-uusap. Paano ko siya makikilala, aber?"

Nagtutulakan na ang lahat, at kanya-kanya ng turo sa kanilang mga kasamahan sa takot na masampolan ng kanilang Demon King.

Bang! Bang! Bang!

LOVE RETRIBUTION AFTER DIVORCE (She's a demon king's angel)Where stories live. Discover now