EPISODE 33 - WEDDING PLAN

165 1 0
                                    


Amarah's Pov

"Babe, ituloy na natin ang naudlot nating plano na magpakasal." narinig kong wika ni Marco sa akin habang nagtitimpla siya ng gatas para sa aming kambal.

Pareho kaming na sa loob ng Nursery Room ngayon, at magkatuwang sa paghehele ng aming quadruplets na sina Aliyah, Arabella, Zale at Adryan. Saglit pa akong natigilan sa biglaang pag-open topic ni Marco tungkol sa aming kasal. Lumingon ako sa kanya, at nakikita ko ang excitement sa kanyang mga mata.

"Okay babe, ikaw ang bahala. Kinakabahan lang ako baka dumating na naman ang araw na biglang umandar na naman ang selos mo, at maisipan mo kaagad na makipag divorce sa akin, hindi na talaga ako babalik sayo." sagot ko sa kanya bagaman may himig pagbabanta ang tono ng boses ko.

Lumapit siya sa akin at malambing akong niyakap sa aking likuran, habang ang mga kamay niya ay nakapulupot sa aking baywang. Binaon niya ang kanyang mukha sa aking leeg at naramdaman ko ang masuyo niyang paghalik sa likod ng aking tenga. Agad naman na nag-init ang buo kong katawan dahil sa ginagawa niya.

"Hinding-hindi na ulit mangyayari yun babe, dahil ngayon pa lang pinapangako ko na sayo na lahat ng desisyon mo ang siyang masusunod sa pamamahay na ito. Lahat ng sinasabi mo iintindihin ko. Ayoko ng maulit pa ang nakaraan babe, kaya susundin ko lagi ang bawat naisin mo." narinig kong pabulong na wika niya habang hinahalikan ang aking tenga pababa sa leeg hanggang sa dumapo sa aking malulusog na dibdib. Lalo pang nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan ng dumampi ang bawat maiinit na mga halik niya sa aking balat. Alam na alam talaga niya ang kahinaan ko. Kaya minsan sa labas ko siya pinapatulog dahil any time bibigay na talaga ako sa kagustuhan niyang maangkin ako kapag ganito na palagi ang mga galawan niya.

"Babe, ano ba, umalis ka nga muna diyan, baka mabitawan ko si Aliyah. Huwag mong sabihin makiki agaw ka pa sa suso niya. Alam mo ikaw parang hindi ka pa nagsasawa. Halos tatlong buwan pa lang itong mga anak mo oh, kung hindi pa ako umiinom ng pills tiyak next year, manganganak na naman ako. Buti sana kung pa isa-isa lang, puro pa kambal yang pinapapasok mo sa matres ko." nagmamaktol na wika ko kay Marco. Agad namang kumalas siya sa pagkakayakap sa likod ko. Nakita ko ang pagsilay ng pilyong ngiti sa labi niya. Mabilis niya siniil ng isang mainit na halik sa aking labi habang pangi-ngiting umalis at pumunta sa tatlong kambal na ngayon ay nakahiga na sa kama.

"Kailan mo balak na magpakasal tayo?" tanong ko sa kanya ng makabawi na ako.

"Next month babe." agad din niyang sagot sa akin na waring nakahanda na ang lahat.

"Ano? Seryoso ka babe? Bakit ang bilis naman? Di ba dalawang linggo na lang next month na?" takang tanong ko ulit sa kanya.

"Eh hindi na ako makapaghintay na maging ganap na kitang asawa babe. Don't worry, next week darating na ang wedding gown na pinagawa ko para sayo. Plano ko sanang sorpresahin ka, kaso hindi na ako nakatiis, kaya sinabi ko nalang. Mahirap na baka isa sa mga araw na ito biglang magbago ang isip mo at iwanan mo pa kami ng mga anak mo." Agad akong sumimangot sa mga narinig ko galing sa kanya.

"Babe, kung sino man sa atin ang may balak na mang-iwan alam kong hindi ako yun." Mas pipiliin ko pa ang mamatay ulit kaysa iwanan ko kayo ng aking mga anak." matapang kong sagot sa kanya. Nakita ko ang saya sa kanyang mga mata.

"Alam ko naman yun babe. Kaya nga kita mahal na mahal eh. Siyanga pala tungkol sa kasal natin, naayos ko na ang lahat. Plano namin ni Lolo Harry na dito na lang tayo magpakasal sa New York, kasi dito naman lahat ng pamilya mo. Huwag kang mag-alala, lahat ay nakahanda na, dahil may kinuha akong isang sikat na wedding planner na siyang mag-organize ng kasal natin, mula sa simbahan at maging sa reception. Ang gagawin mo na lang ay ang ihanda ang iyong sarili para sa nalalapit na kasal natin. " malambing niyang sagot sa akin.

LOVE RETRIBUTION AFTER DIVORCE (She's a demon king's angel)Where stories live. Discover now