EPISODE 51 - THE RUTHLESS SON

114 2 1
                                    


Mabigat ang aking mga paa na nilisan ang mansyon. Walang tigil sa pagpatak ng aking mga luha habang nagmamaneho ng sasakyan.

"Madam A, nahuli na namin si Sandra. Anong balak mong gawin ngayon?" narinig niyang sabi ni Mike ng sagutin niya ang tawag nito.

"Dalhin mo sya sa hideout, ako ang hahatol sa kanya." matalim ang mga mata ni Amarah habang nakatitig sa kalsada.

"Masusunod po, Madam A." agad na sagot ni Mike bago pinatay ang tawag.

Mabilis na pinalipad ni Amarah ang kanyang sasakyan kaya wala pang bente minutos ay nakarating na kaagad siya sa hideout ng mga Elite Task Force. Malalaki ang mga hakbang na pumasok siya sa loob ng interrogation room at nadatnan niyang nakaupo si Sandra, habang nakatali ang mga kamay sa likod ng upuan.

"Hayop ka Amarah, kung sa tingin mo, makakaganti ka na sa akin, nagkakamali ka, dahil hindi titigil si Alex Montenegro hanggat hindi niya nakikita na unti-unti kayong bumabagsak ni Marco Dela Vega! Ahahaha!" parang baliw na wika nito habang pinapadyak pa ang kanyang mga paa, waring tuwang-tuwa sa kanyang sinabi.

"Hindi mangyayari yan Sandra! Dahil sa mga oras na ito, alam kong hinahanap na siya ni Marco."

"Sigurado ka ba dyan sa sinasabi mo Amarah?, Ahahaha! Kung ako nga na anak niya, ni minsan hindi ko pa nakikita ang totoong pagmumukha niya sa edad kong ito, si Marco pa kaya? Sa tingin mo ba ang Alex Montenegro na nakikita ni Marco sa pilipinas, yun ang tunay niyang mukha? Ahahaha, Akala ko nga rin eh. Ngunit hindi pala. Biruin mo peke pala ang mukhang yun. Mahilig kasi sa pamemeke ang amain ko eh. Kita mo itong mukha mo sa akin? Siya din any may idea nito. Ahahaha! Mahihirapan si Marco, Amarah, ngayon palang sinasabi ko na sayo, mahihirapan sya. Hahaha!"

SLAP! SLAP!

Biglang napatigil si Sandra mula sa kanyang malutong na halakhak ng dumapo ang malakas na mag-asawang sampal ni Amarah sa magkabilang pisngi niya.

"Hindi tanga si Marco para hindi alam kung ano ang binabalak ng peke mong ama. Baka ikaw Sandra, pwede ko pang tawaging tanga. Kung totoo ang pinagsasabi mo, ni minsan ba hindi sumagi sa isip mo kung sino ang tunay mong ama? Malay mo, malaki pala ang kinalaman ni Alex Montenegro sa pagkawala ng totoo mong ama, at ginagamit ka lamang niya para sa personal niyang interest. Hindi mo ba naisip yun? Hindi mo ba naisip na baka kinuha niya rin ang mukha ng iyong ama para linlangin ka? Ikaw din ang nagsabi na mahilig siya sa pamemeke ng mukha."

Saglit na nahulog si Sandra mula sa malalim na pag-iisip. Naalala niya noong maliit pa siya, mahal na mahal siya ng kanyang ama. Lagi siyang dinadala sa mansyon ng mga De la vega kaya niya nakilala si Marco at naging magkalaro sila. Naging matalik na magkaibigan and daddy niya at ang ama ni Marco noon kaya, mas napadalas lalo ang pagsasama nila ni Marco, hanggang sa nahulog na ang loob niya sa lalaki. Ngunit nagbago ang lahat ng pakikitungo ng daddy niya sa kanya, ng isang araw may sumundo sa kanyang ama na isang lalaki na kasing tangkad at kasing edad niya rin. Sa naalala niya nagngangalang Marcus ang lalaking yon. Pag-uwi ng kanyang ama, parang hindi na anak ang turing nito sa kanya. Lagi na siya nitong sinasaktan. Naging mabait lang ito nang magkasundo sila ni Don philip na ipakasal silang dalawa ni Marco. Kinalaunan inamin nitong hindi siya tunay na anak, at tatanggapin lamang siyang muli kung matutuloy siyang ikasal kay Marco, ngunit hindi natuloy dahil sa babaeng ito. Muli na naman siyang naghysterical ng makita ang mukha ni Amarah sa harapan niya.

"Ikaw! Ikaw, Amarah ang dahilan kung bakit ako napunta sa ganitong sitwasyon, ako sana ang minahal ni Marco kung hindi ka dumating sa buhay niya!" umiiyak na sigaw ni Sandra.

"Bakit mo ba laging sinisisi ang pagpapakasal ni Marco sa akin. Nagmamahalan kaming dalawa, Sandra. Mahirap bang intindihin yun? Kung talagang mahal mo siya, maging masaya ka na lang para sa kanya. Isang taon ko siyang hinayaan sa piling mo Sandra, kahit pa nagpanggap ka bilang ako, hindi ka pa rin magawang mahalin ni Marco dahil ako ang hinahanap ng puso niya!"

LOVE RETRIBUTION AFTER DIVORCE (She's a demon king's angel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon