EPISODE 48 - HIHINTAYIN KITA BABE

130 3 0
                                    


Nahulog si Marco sa malalim na pag-iisip matapos ang pag-uusap nila ni Doc Amy. Nahilamos niya ang mukha dahil sabay-sabay nagsi datingan ang kanyang problema. Nagpakawala muna siya ng malalim na buntong hininga, bago lumabas sa kanyang library.

Ilang sandali pa, dala niya ang food tray ng mga pagkain na personal niyang niluto sa kusina, pumasok siya sa loob ng kanyang silid kung saan nakahiga si Amarah. Nakita niyang tulog pa rin ito. Dahan-dahan muna niyang inilagay ang mga pagkain sa bedside table bago umupo sa gilid ni Amarah.


Kinuha niya ang kamay nito na may nakakabit na swero at dinala sa kanyang labi upang dampian ng masuyong halik. Naawa siyang tingnan ang kanyang asawa na pilit nilalabanan ang sakit para lang mahanap si Alex Montenegro.


"I love you babe. Gagawin ko ang lahat para sayo at sa mga anak natin. Sana, patuloy kang lumaban para sa kanila, dahil hindi ko alam kung kailan ako makakabalik. Lagi mong tatandaan, mahal na mahal kita kaya sana huwag kang sumuko. Magpagaling ka babe, naghihintay na sayo ang mga anak natin." Matapos sabihin, ilang minuto pa siyang nanatiling nakaupo sa tabi nito bago tumayo at masuyong hinalikan ang kanyang asawa sa noo. Hindi na lang niya ito ginising para makapag pahinga ng matagal. Naglagay na lang siya ng sticky note sa bedside table nito upang hindi na ito magtaka sakaling malaman na wala siya pag gising niya.


"Boss, nakahanda na po ang lahat ng mga tauhan natin sa ibaba." pagbibigay -alam ni Troy habang nakadungaw sa pintuan ng silid.


"Sige, susunod ako." agad na sagot ni Marco habang nananatiling nakatitig sa natutulog na asawa.


"Babe, aalis na ako. Kailangan ko nang tapusin ang problema nating ito kay Alex Montenegro. Ingatan mo palagi ang sarili mo.


Mamimiss kita, kayo ng mga anak natin." Saglit siyang nag pahid ng luha at hinalikan muna si Amarah sa labi bago tumalikod. Mabigat ang kanyang mga paa sa paghakbang na tinungo ang pintuan.


"Babe, sandali!"


Agad na lumingon si Marco nang marinig ang boses ni Amarah na tumatawag sa kanya. Nakita niyang puno ng nagbabadyang luha ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya, waring sinasabi na ayaw nitong umalis siya.


Hindi alam ni Marco na kanina pa gising si Amarah at narinig niya ang lahat ng sinabi nito. Hindi na siya nakatiis na hindi kausapin ang asawa kaya siya bumangon sa kama at tinawag ito.


"Bakit babe?" nakangiting tanong niya pilit tinitibayan ang loob upang hindi mahalata ang kanyang pag-iyak.


"I Love you, babe." naluluha na bigkas ni Amarah, dahilan upang takbuhin ni Marco ang distansya sa pagitan nilang dalawa. Niyakap niya ito ng sobrang higpit, habang patuloy sa pagbagsak ang kanyang mga luha.


"Babe, kailangan pa bang umalis ka? Saan ka pupunta?" Humihikbi na tanong ni Amarah.


Hinarap ni Marco ang asawa ngunit nanatili pa ring nakayakap ang mga kamay niya sa baywang nito. "Babe, dahil kailangan. Ayaw kong mauunahan pa tayo ni Alex Montenegro. Idadamay niya pati mga anak natin. Hindi lang ang pagiging Eagle Queen mo ang gusto niyang burahin. Pati pagiging Demon King ko gusto niya ring maangkin. At kapag nangyari yun, kawawa ang mga anak natin Babe. Kaya kailangan ko itong gawin."

LOVE RETRIBUTION AFTER DIVORCE (She's a demon king's angel)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ