EPISODE 24 - SHE'S BACK

316 8 4
                                    

Ganun nalang ang pagkagulat ni Sandra, ng makita ang madilim na anyo ni Marco habang nakatitig sa kanya. Bagama't may nakalagay na busal ang kanyang bibig, kahit gusto niyang sumigaw ay hindi niya magawa.

Nasa loob siya ng abandonadong building na hindi niya alam kung saang gubat naroroon. Pero umaasa siyang hindi magtatagal ay matutunton na rin siya ng mga tauhan ni madam Mia upang tulungang makatakas. Natatakot siya sa maaring gawin ngayon ni Marco sa kanya.

Mas lalo siyang nanginginig ng makitang papalapit si Marco, kaya impit siyang pumikit habang hinihintay ang katapusan niya. Ngunit ilang minuto na ang nakalipas ay wala paring kahit anong masasakit na bagay ang dumapo sa kanyang balat.

Nagdilat siya ng mga mata para lamang masindak ng kanyang makita na hawak-hawak na ni Marco ang maliit na hairclip na kanina lang ay nakaipit at nakatago sa buhok niya.

"Sa tingin mo ba hindi ko alam kung anong klaseng hairclip to? Kaya pala, hindi ka mahuli-huli ng mga tauhan ko dahil dito huh? Kung dati nakakatakas ka pa, ngayon sisiguraduhin kong hindi mo na naisin yon dahil sa gagawin ko sayo." madiin niyang sabi, sabay kuha ng lighter sa bulsa at sinunog ang hairclip.

Pagkatapos sunugin ang hairclip, ay senenyasan niya ang kanyang mga tauhan na tanggalan ng busal si Sandra sa bibig para makapagsalita ito kapag tintanong niya

"Sandra!, ngayon sabihin mo sakin, kung sino ang nag-utos sayo para e frame-up noon si Katleah! Huwag kang magkamali na magsinunagling sakin, dahil dadagdagan ko ang parusa sayo. Huwag ka na ring umasa na matutulungan kapa ng mga taong humahawak sayo, dahil sinunog ko na ang spy camera sa hairclip mo!"

Nagtatagis ang mga bagang niya habang kinakausap si Sandra.

Nadagdagan ang takot ni Sandra ng makita ang nag-aapoy na mga mata ni Marco.

"W--walang nag-utos sa akin. Kaya ko lang naman ginawa iyon dahil sa sobrang pagmamahal ko sayo. Noon pa man alam mong mahal na mahal na kita. Kaya nung nalaman ko na nagpakasal kayo ni Katleah, ay ginawa ko lahat para maagaw kita." umiiyak na sagot niya.

"Isang tanong ko pa ulit Sandra! Sino ang taong humahawak sayo!?"

Nag-aalinlangan si Sandra na sumagot.

"SANDRA!" sigaw ulit ni Marco

"Ahhh!" agad siyang napasigaw sa takot nang marinig ulit ang boses ni Marco na nanginginig sa galit.

"Ma-maawa ka Marco, maniwala ka, nagawa ko lang yon dahil sa pagmamahal ko sa_"

"Shut Up!" Sigaw ni Marco upang pigilan ang anomang sasabihin pa sana ni Sandra.

"Kaunti na lang ang pasensya ko Sandra! Alam mo ba, sa ginawa mo namatay ang asawa't anak ko? Kaya huwag na huwag mong gawing dahilan sa akin yang pesteng pagmamahal mo na yan, dahil simula't sapol, sinabi ko na sayo noon pa na hindi kita mahal! Wala akong nararamdaman sayo! Pero bakit mo pa dinamay ang asawa ko!" Umiiyak sa galit si Marco habang nagsasalita.

"Pa-patawarin mo ako Marco, masyado akong nabulag sa pagmamahal ko sayo. Hindi ko alam noon na buntis si Katleah." humahagulgol na sagot ni Sandra sa kanya.

"Pwes, patawarin mo rin ako sa gagawin ko sayo Sandra! Binigyan na kita ng chance noon. Pinatanggal lang kita bilang modelo, ngunit hindi mo ipinasok sa isip mo na iyon ang huling warning ko sayo! Hindi mo ako masisisi dahil lumagpas ka sa pinaka bottom-line ng buhay ko, at si Katleah yon."

"A-anong ibig mong sabihin? Ma-Marco hinubaran ko lang si Katlea, at inutusan ang lalaking nasuhulan ko para pumatong sa ibabaw niya habang nakahubad. Wala na mang nangyari sa kanya di ba? Hindi mo pwedeng gawin sa akin to Marco, maawa ka." natatarantang paliwanag ni Sandra.

LOVE RETRIBUTION AFTER DIVORCE (She's a demon king's angel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon