EPISODE 56 - THE REUNION

139 5 0
                                    


"Anak, maniwala ka, ako ang totoo mong ama, patawarin mo si daddy, iniwan ka ni daddy na nag-iisa at hinayaan ang buhay mo na manipulahin ni Marcus. Patawarin mo ako anak, wala akong nagawa upang makatakas sa kulungan na ito. Kung alam mo lang, ilang taon kong dinadasal na sana darating pa ang araw na ito na magkikita tayong muli."

"Pero bakit? Bakit ka kinulong dito, samantalang ang kakambal mo malayang nagpapasarap sa buhay niya sa labas?" Ang hindi pa rin makapaniwala na tanong ni Sandra.

Sandali munang nag pahid ng luha si Alex at mahinang naglakad pabalik sa kanyang maliit na kama, bago muling nagsalita.

"Nangyari ang lahat ng mga nangyari, dahil sa kagustuhan ni mama na makapaghiganti sa pamilya ng mga Dela Vega."

Biglang nagka salubong ang kilay ni Marco matapos banggitin ni Alex, ang pamilya Dela Vega.

Hindi muna siya nagtanong, hinayaan muna niya ang sarili na makinig sa anumang sasabihin ni Alex. Nakita niyang umupo ito at malamlam ang mga mata habang nakatingin sa labas. Halatang nahihirapan siyang ikwento ang mga nangyari sa nakaraan.

"Magkasintahan noon si Don Arman Dela Vega at si Mama Alicia. Nang malaman ng ina ni Don Arman ang tungkol sa relasyon nila, pinilit niyang ipakasal si Don Arman sa babaeng gusto nito para sa anak niya. Pinagtabuyan nila si Mama, kahit pa nagmamakaawa ito kay Don Arman na huwag siyang hiwalayan. Walang nagawa si Don Arman upang ipaglaban si mama dahil takot siya sa kanyang ina. Simula noon, sinumpa ni mama, hanggat nabubuhay siya, lahat ng angkan ng mga Dela Vega ay makakatikim ng kanyang paghihiganti. Hanggang sa nakilala niya si papa, kilala siya sa pangalang Master Allen ang kanang kamay noon ni Apo Dakbana. Sa kagustuhan ni mama na makapaghiganti, pinakasalan niya si Papa. Nabuntis si mama ng kambal_at kaming dalawa yun ni Marcus.. Simula noong mga bata kami, espesyal na ang treatment ni Mama kay Marcus, dahil masunuring bata ito, hindi kagaya ko, na may sariling mundo, at laging kong sinusuway ang lahat ng utos niya.

Naging mag bestfriend kami noon ni Arah kaya siya ang lagi kong takbuhan sa tuwing pinapagalitan ako ni mama. Hindi ko alam na may lihim na pa lang pagtingin si Marcus, sa kanya noon, kaya lagi siyang nagpapanggap na siya si Alex Montenegro. Lagi niyang ginagamit, ang pangalan ko, ginagaya niya ang mga pananamit at pananalita ko upang lalo siyang pagkatiwalaan ni Arah. Hanggang sa nalaman niya na boyfriend na ni Arah, si Dave Colster. Sinubukan niyang magtapat ng nararamdaman niya kay Arah, subalit nabigo siya dahil si Dave ang mahal nito. Napuno ng galit at poot ang dibdib ni Marcus, at ginamit ni mama ang pagkakataong yun upang lalong isaksak sa isipan ni Marcus, na dapat niyang maghiganti. Doon nagsimula ang pagiging halimaw ni Marcus. Nang malaman niyang si Arah, ang naging Eagle Queen, sinubukan niyang kausapin si papa upang magkaroon ng Eagle King. Sa kanila ni Dave, siya ang nakapasa sa pagsubok, kaya siya ang tinanghal na kauna-unahang Eagle King. Ngunit lingid sa kaalaman ni papa, may iba pa lang pinaplano si Marcus, sa kadahilanang gusto niyang pamunuan ang Aerie, at makapaghiganti kina Arah at Dave. Nagpakilala siyang si Alex Montenegro, upang lahat ng kasalanan na gagawin niya, ako ang ituturo. Sobrang sama ng loob ko noon, dahil hinayaan ni mama na gamitin ni Marcus ang pangalan ko para sa kanyang kasamaan. Naglayas ako sa bahay at nagpatayo ng sarili kong negosyo sa Pilipinas, hanggang sa nakilala ko si Don Philip, ang ama ni Marco."

Binalingan ni Alex si Marco na ngayon ay nakaupo lang sa sahig at nakasandal sa dingding na gawa sa bato. Alam niyang gusto rin nito marinig ang katotohanan sa nakaraan. Muli niyang ipinagpatuloy ang kanyang pagkukuwento.

"Nakarating kay mama ang balita tungkol sa pagiging matalik na magkaibigan namin ni Don Philip. Galit na galit siya dahil nakipag kaibigan ako sa anak ng mortal niyang kaaway, at lalaking nanakit ng damdamin niya. Lagi niya akong pinagbabantaan noon na umiwas sa pamilya Dela Vega, ngunit hindi ko magawa, dahil maliban sa matalik kaming magkaibigan ni Don Philip, naging malapit na rin kayo ni Marco sa isa't-isa." Tiningnan niya si Sandra na ngayon nakaupo na rin sa isang sulok at taimtim na nakikinig sa kinukwento niya.

LOVE RETRIBUTION AFTER DIVORCE (She's a demon king's angel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon