EPISODE 15 - THE TRUTH PART 1

252 6 0
                                    

Maagang nagbihis si Katleah at naghanda ng bumaba ng hagdan. Hindi na siya naka tulog pa hanggang umaga dahil sa kakaisip niya ng kanyang panaginip. Parang andoon talaga siya sa eksena na yon, ngunit hindi niya maipaliwanag sa sarili kung bakit hindi maalis sa isip niya ang pangalang Amarah." Hinimas himas niya ang kwintas niyang suot, bakit niya nakikita ang kwintas niya sa kanyang panaginip? may malaking parte kaya ito sa nakaraan niya? Hindi na siya makapaghintay pa na makausap ang lalaking tumawag. Akmang nasa pintuan na siya palabas ng Mansion ng tawagin siya ni Don Philip.

"Katleah, saan ka pupunta, bakit hindi ka muna mag-almusal?" pag-aaya nito sa kanya.

Nahiya naman si Katleah, kaya bumalik siya at pumunta na rin sa dining upang kumain."

"Mamaya na ako kakain manang, nawalan na ako ng gana," Padabog na tinulak ni Marie ang sariling plato ng akmang uupo na si Katleah sa harap ng mesa.

"Marie!, Huwag kang bastos.! Bumalik ka dito!" sigaw ni Don Philip sa anak ngunit parang wala itong narinig. "Pasensya kana Iha sa inasal ng anak ko. Hindi lang siya sana'y na may asawa na ang kuya niya."

"Okay lang ho yon tito, naintindihan ko naman ho."

"Iha, dady nalang itawag mo sa akin dahil asawa kana ni Marco."

'Ahmm, S-segi poh d-daddy." kiming sagot niya.

"Iha, diretsahin na kita. Aaminin ko na hanggang ngayon hindi pa rin ako naniniwala na may pagmamahal na namumuo sa pagitan ninyong dalawa ng anak ko." Sa loob ng isang buwan na binigay ko sa kanya nakahanap na kaagad siya ng pakakasalan." Gusto sana kitang tanungin." May usapan ba kayo ni Marco na magpapakasal lang dahil sa akin?"

Nagulat siya sa tanong nito sa kanya. Hindi niya alam kung aaminin ba niya o hindi, pero mainam na yong magpakatotoo diba?

"Actually tit-daddy, may usapan kami noong una pero ngayon pareho na kaming umamin na mahal namin ang isa't-isa."

"Ha!, Kalokohan!.. ng ganun kadali?.. Oh segi,, sabihin na nating nagmamahalan na kayo ngayon, pero bakit ka pumayag na magpakasal sa kanya gayong hindi mo pa alam kung mahal ka nga niya? Ibig bang sabihin iba ang pakay mo sa pagpapakasal sa anak ko?"

"Mahal ko ho ang anak ninyo, at kahit mahirap man iyon paniwalaan, alam ko sa sarili ko na pinakasalan ko siya dahil mahal ko siya."

"Iha, hindi naman sa hinuhusgahan kita.. Mahal ko ang anak ko, at wala akong ibang hangad kundi ang iiwanan ko siyang may nagmamahal at nag-aalaga sa kanya. Lumaki si Marco na walang ina, at kahit hindi niya sabihin sa akin alam kong nagkulang ako ng atensyon at pagmamahal sa kanya. Ayokong mangyari, na balang araw iiwanan mo rin siya." madamdaming wika ni Philip.

"Huwag po kayong mag-alala dad, naintindihan ko po ang saloobin ninyo. Pero sana maniwala po kayong mahal na mahal ko si Marco, at nangangako po akong hindi ko siya iiwan kahit ano pa ang mangyari."

Lumambot ang puso ni Don Philip sa pag-uusap nila ni Katleah. Inaral niya itong mabuti at diretsahang tinitigan sa mga mata habang nagsasalita, at napagtanto niyang seryoso ito sa kanyang sinasabi.

"Bueno, pagkatiwalaan ko yang mga pangako mo, dahil kapag nalaman ko na niloloko mo lang ang anak ko, hindi ako magdadalawang isip na isama ka sa mga huling araw ng buhay ko. Siya nga pala, kailan ako magka kaapo?"

"Uho!Uho!," inabot niya kaagad ang tubig at nilunok lahat. Muntik na siyang mabulunan sa deretsahang tanong nito. Ngayon alam na niya kung saan nagmana si Marco sa pagka straight forward nitong kausap. Parehas talaga itong mag-ama.. Bakit ba sa tuwing kakain siya, sinisira nitong dalawa ang moment niya?

"Ahhhmmm... Wala pa po kasi sa plano namin ni Marco ang magkakaanak dad. Baka mas delikado daw po sa amin kung buntis ako tapos hindi pa niya nahuhuli ang kanyang mga kalaban. Binibigyan po niya ako ng gamot para hindi mabuntis."

LOVE RETRIBUTION AFTER DIVORCE (She's a demon king's angel)Where stories live. Discover now