EPISODE 30 - THE TWINS

213 7 0
                                    


"Nilingon ni Marco ang dalawang anak.. at sabay na niyakap niya ang mga ito.. "Hmmm.. bakit ba nagseselos ang little princess ko sa mommy niya?" iba kayo.. iba na rin si Mommy, okay?, siyempre mahal na mahal din kayo ni Daddy." Sorry mga anak kung nasaktan kayo ni Daddy ha?" hindi ko pa kasi maalala ang lahat,, blanko pa sa ngayon ang isipan ko, but don't worrry, gagawin ni daddy ang lahat para mabilis na maka recover ang utak niya." Magkakasama na rin tayong lahat.."ang naging paliwanag niya habang masuyong hinahagod ang likod ng dalawa niyang anak."

"Nakamasid lang si Katleah sa kanyang mag-ama, ngunit hindi maiaalis sa isip niya ang mangamba para sa kaligtasan ng kanyang pamilya. Hindi niya alam kung may nalaman nang impormasyon si Madam Mia, tungkol sa kanya." Kailangan niyang maghanda na ngayon lalo na't mag-isa lang siyang kikilos dahil si Marco wala pa ring ma-aalala. "Kinuha niya ang kanyang cellphone at tinawagan ang isa mga tauhan na kanyang pinagkakatiwalaan sa aerie..

SA KABILANG BANDA...

"Matagal na nakaupo ngunit tulala si Simon Colster sa isang swivel chair na sa loob mismo ng kanyang study room.. Para siyang latang gulay.. Simula ng umalis sin Raven kanina, hindi na niya alam kung nanaisin pa ba niyang mabuhay, dahil kinamumuhian na siya nang sarili niyang anak." Si Raven ang buhay niya.. ngunit ngayon hindi niya alam kung magkikita pa ba sila." Ilang sandali pa ang lumipas nang biglang nagring ang kanyang cellphone. Bigla siyang kinabahan dahil si Madam Mia ang tumatawag sa kanya. Matagal na ring hindi ito tumatawag sa kanya.? Kahit may takot sa puso niya, ay pinili parin niyang sagutin ang tawag nito.

"Simon! walang hiya ka! isa kang traidor!.. Bakit mo inilihim sa akin ang tungkol sa anak ni Arah!? kung hindi pa nagreport sa akin ang isa sa mga tauhan ko sa Aerie, hindi ko pa malalaman na may anak si Arah na nagngangalang Amarah!" Ang galing mong magtago Simon.. akala mo hindi ko rin alam? Sinabi mo kay Raven ang lahat ng lihim ko!. Alam mo ang batas ko Simon.! Pinapatay ko ang lahat ng tumatraidor sa akin!." galit na sigaw ni Madam Mia sa kabilang linya."

"Hindi na ako natatakot sayo, Cynthia!.. Para saan pa ang buhay ko?" Mas mainam nang patayin mo nalang ako ngayon kaysa ang mabuhay ako na hindi kapiling ang aking anak.!" agad na sagot ni Simon habang umiiyak."

"Huwag kang magmadali Simon, darating tayo diyan.. pero pahihirapan muna kita.. sa tingin mo maililigtas ng kamatayan mo ang mga kasalanan mo sa akin!?" Diyan ka nagkakamali.. dahil hindi pa ipinanganganak ang taong sisira sa akin,.. kahit pa ang anak ni Arah.! Hawak ko ang apat na haligi ng Aerie, at mahihirapan siyang bawiin sa akin ang kapangyarihan ng Eagle Queen."

"Cynthia! utang na loob..tumigil kana! Hindi kapa rin ba napapagod? Twenty three years kanang lihim na namuno sa Aerie.. bakit hindi mo nalang hayaan ang anak ni Arah na mamuhay ng tahimik?"

"Ikaw ang tumigil Simon!" Sa tingin mo ba tanga si Amarah para hindi hanapin kung sino ang totoong pumatay sa mga magulang niya!? kaya hanggat maaga pa, uunahan ko na siya" Hahaha!! Kilalang kilala ko siya Simon.. tama ang kutob ko noon na baka nga may anak si Arah dahil coincidence nman kung magkamukha lang sila ni Arah diba? Alam ko na ngayong si Kathleah at Amarah ay iisa.!" at uunahin ko ang dalawang anak niya." Ngayong hindi pa magaling si Marco, umpisahan ko na ang aking mga plano!" Hahahaa!

"Demonyo ka Cynthia! hindi ka magtatagumpay!.. Maawa ka sa anak natin.. Maawa ka kay Raven, dahil sa ginawa natin noon kinamumuhian niya tayo!" Bakit ba kailangan mo pang dagdagan ang mga kasalanang ginawa mo!.?"

"Estupido!" Marami kanang pinatay, ngayon kapa naduwag Simon!? Paano kung sabihin ko sayo na may isa pa tayong anak.? At nakahanda siyang kilalanin ka bilang Ama.?" Hahayaan mo parin bang mabuhay si Katleah?"

"Saglit na natigilan si Simon sa sinabi ni Cynthia. A-ano?" anonng ibig mong sabihin?" sa wakas any natanong niya"

" Buntis ako ng umalis ako noon sa poder mo, kaya hwag kang hangal kung iniwanan ka ni Raven dahil mayroon kapang isang anak na naghihintay sayo!" Makinig ka sa sasabihin ko sayo!,, Kailangang sumunod ka sa aking mga plano kung gusto mo pang makita ang isa mong anak." Pinatay mo na rin lang ang mga magulang ni Katleah bakit hindi mo nalang din patayin pati ang kanyang buong pamilya?" Kasalanan mo kasi ito eh.. Nagtira kapa ng pamilya ni Arah!"

LOVE RETRIBUTION AFTER DIVORCE (She's a demon king's angel)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum