EPISODE 42 - HIS DEMON QUEEN

136 5 0
                                    


"Sige ituloy mo ang pagsipa sa akin, hahalikan na talaga kita!" Nakita kong agad itong natigilan. "Woman, huwag mong kalimutan na lungga ng Demon King itong pinasukan mo. Huwag mong hintayin na may gagawin pa ako sayo na hindi mo magugustuhan." mapang-uyam kong wika sa kanya.


Galit niya akong tinalikuran, at tumakbo palabas ng lobby habang umiiyak. Tinapunan ko ng makahulugang tingin ang aking mga tauhan na naka hilerang nakatayo lang sa gilid ng lobby at kanina pa nanonood sa sparring namin ni Amarah.


"Sundan niyo siya at dalhin sa kwarto ko!" galit na sigaw ko sa kanila. Agad namang tumakbo ang mga ito palabas. Napakamot ako sa aking batok. Nahihirapan akong paamuin si Amarah dahil ibang tao ang tingin niya sa akin. "Fuck!" Napamura ako sa aking sarili. Masakit talaga ang ulo ko ngayon. Ilang sandali pa'y buhat-buhat na ni Ansel, si Amarah na wala nang malay. Agad kong pinasan ang aking asawa at galit na binitin patiwarik sa kwelyo si Anse_isa sa mga tauhan ko. Hindi ko na naramdaman ang bigat ng katawan ni Ansel dahil sa sobrang galit ko.


"Anong ginawa mo sa kanya huh? Sinabi ko bang pag buhatan mo siya ng kamay?" nanlilisik ang mga mata ko habang nagtatanong kay Ansel.


"B-boss Demon, huminahon po kayo, hindi ko po siya pinagbuhatan ng kamay. Nagpupumilit kasi siyang lumabas ng gate, at pinag sisipa kami, kaya wala na kaming magawa kundi ang e- inject sa kanya ang pampatulog. Iyan po ang dahilan kaya nawalan kaagad siya ng malay. Sorry po boss."


Agad ko namang binitawan si Ansel ng marinig ang paliwanag niya.


"All of you! Always remember this! My woman deserves to be treated like a queen, even if she's in the Demon King's Den! Don't dare touch her or even look at her, or I'll kill you!" malakas na sigaw ko sa kanila.


Tinapunan ko muna sila ng nagbabagang tingin at nakita ko ang takot sa mga mata nila. Agad ko silang tinakikuran at deretsong pinasan si Amarah sa aking silid.


Maingat ko siyang hiniga sa aking kama at hinawi ang ilang pirasong buhok na nakatakip sa kanyang mukha. Alam kong gusto niyang umuwi ngayon dahil nag-aalala siya sa mga anak namin. Habang tinititigan ko siya nakaramdam ako ng sobrang awa sa kanya. Mula nang mag sama kami, wala ng katapusan ang mga paghihirap niya dahil sa akin. Pakiramdam ko wala akong silbing asawa dahil hinayaan kong mangyari ang lahat ng ito sa kanya.


"Naramdaman ko ang paghihirap ng kalooban mo ngayon babe, dahil sa sobrang pag-alala sa mga anak natin. Huwag kang mag-alala, hindi ko hahayaan na may mangyaring masama sa kanila. Pangako kong magbabayad silang lahat."


Ginawaran ko muna siya ng isang mainit na halik sa labi at tinakpan ng kumot ang kalahati ng katawan niya bago lumabas ng silid.


Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ng aking pantalon, habang naglalakad papuntang terrace na malapit lang sa aking silid. Mabilis kong tinawagan si Mike sa Delta Elite Task Force.


"Mike, nakarating na ba ang mga anak ko sa Fuentebilla Mansion?"


"Yes Boss, mahigpit namin silang binbantayan ngayon.


"Kumusta naman ang pagmamanman nyo sa paligid?"

LOVE RETRIBUTION AFTER DIVORCE (She's a demon king's angel)Where stories live. Discover now