EPISODE 47 - FOLLOW ALL OF HER COMMANDS

114 0 0
                                    


"Pero Boss, alam mo ang pilosopiya ng mga Mafia dahil Mafia ka rin. Hindi sila basta-bastang aamin kung sino ang totoong Alex Montenegro. Mas gugustuhin pa nila ang mamatay kaysa ang umamin."


"Hindi lahat ng Mafia ganun ang pananaw Troy. Sa oras na pamilya na nila ang sangkot, mabilis mo silang mapapaamin. Pwera na lang sa mga Mafia na talagang walang pakialam sa kanyang pamilya, dun maniniwala ako na mas nanaisin pa nila ang mamatay at madamay ang pamilya kaysa umamin."


"Ibig sabihin..." luwa ang mata ni Troy sa naisip na plano ni Marco.


"Yan ang unang hakbang natin Troy. Sisimulan ko sa kanilang pamilya. Mamayang gabi, isa-isahin nating kidnappin kahit isa sa miyembro ng kanilang pamilya, nang sa ganun may dahilan sila para umamin."


"Paano ang asawa mo boss?"


"Uuwi siya kapag kaya na ng katawan niya. Kailangan siya ng mga anak namin. Sige na, ihanda mo na ang mga tauhan natin at ang mga kailangan nating gamitin. Aalis tayo pagkatapos kong makausap ang asawa ko."


Agad na tumalima si Troy at lumabas sa loob ng library. Alam niyang mahaba-habang labanan itong susuungin nila dahil halos kalahati ng Mafia ay nasa panig ni Alex Montenegro. Ngunit buo na ang desisyon ng Demon King.


Samantalang inihanda na rin ni Marco ang sarili sa maaaring mangyari na paghaharap nila ni Alex Montenegro. Kailangan na niyang tapusin ang lahat para sa kaligtasan ng kanyang pamilya. Hindi niya alam kung sa gagawin niyang ito, makakauwi pa siyang buhay. Pero isa lang ang titiyakin niya. Ang malayang mamuhay ang kanyang pamilya.


Umupo muna siya sa couch at inisa-isang tawagan ang lahat ng mga taong kaya niyang pagkatiwalaan habang wala siya.


"Hello James, makinig ka. Mawawala muna ako ng ilang araw. May mahalagang bagay lang akong aasikasuhin kaya ikaw na muna ang bahala sa negosyo ko habang wala ako."


"Bakit boss saan kayo pupunta?" Nag-aalalang tanong ni James.


"Huwag nang maraming tanong James. Wala akong tiwala sa kadaldalan mo. Siya nga pala, kamusta na ang pagsasanay ni Allaric sa sa kumpanya?


"Malaki naman ang improvement ni Allaric boss. Kahit thru online lang siya tinuturuan pero ang bilis kaagad niyang natuto. Kung sa bagay sa murang edad niya grabe na ang abilidad sa pagiging hacker. Biruin mo ha, sinubukan ko ang kakayahan niya na makuha ang pinakamalaking project natin sa Greenland. Ang tagal na kasi nating tinatarget na makapagpatayo ng Airport doon ngunit hanggang sa mga hotels lang tayo inaaprobahan. Hahaha, pero Boss, good news, dahil na kayanang e-deal ni boss liit ang project. Na hack niya ang system ng Greenland goverment kaya nalaman kaagad niya kung paano sila mapapayag. Hahaha next month sisimulan na ang bidding para sa infrastructure ng Airport."


Napangiti si Marco dahil sa narinig. Alam niyang sobrang talino ng anak niya kaya hindi siya nagdalawang isip na e-enroll ito sa exclusive school para lamang sa mga bata na may special abilities. Madalas niya kasi itong nakikita na mabilis ang mga kamay sa pagtipa sa keyboard ng sariling laptop. Agad niyang nakikita ang mga codes na nagsilabasan mula sa itim na screen monitor. Hindi naman niya maintindihan ang mga code na yun. At sa murang edad niya magaling na siya sa hacking system dahil na rin sa turo ng ninong Dwayne niya. Minsan isang beses natalo si Dwayne ng makipagpustahan ito sa anak niya. Nagawang e-hack ni Allaric, ang computer ni Dwayne sa kabila ng maraming firewalls security na nilagay nito para hindi mainfect. Ngunit na gawa pa ring sirain ni Allaric ang firewall security na inilagay ni Dwayne kaya naubos lahat ng files niya sa loob. Umiiyak si Dwayne habang binibigay ang pera kay Allaric para lang ibalik ang mga files na nabura niya sa computer nito. Napapangiti si Marco habang inaalala ang kalokohan ng anak niya. Nasa ganun siyang pag-iisip ng marinig niyang nagsalita ulit si James na biglang nagpataas ng presyon ng kanyang dugo.

LOVE RETRIBUTION AFTER DIVORCE (She's a demon king's angel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon