Chapter 60: Euphoria

1.4K 8 7
                                    

Dani's POV

10 years after...

"You've been here in this industry for 4 years only and yet you have been one of the most popular film directors in the world, and all your movies and series were all a success. What can you say with your another successful movie this year?"

Isang reporter ng isang sikat na TV Network galing pa sa Amerika ang nagtanong sa 'kin dito sa press conference ng bago kong movie entitled Rulings Of Love na pinagbi-bidahan ng mga sikat na artista rito sa London, na kasama ko ngayon sa presscon na 'to.

I beam a smile at the reporter. "Well, we still can't say that it's already successful since the premiere hasn't begun yet." Lahat sila ay tumawa sa biro ko. "But...I can say that this movie will be a hit again since this is base on my personal experiences with love."

"You say that this is based on your personal experiences. Then was this written by you also?" Tanong naman sa 'kin ng isa pang reporter.

Tumango ako nang hindi nawawala ang ngiti sa labi ko. "Yes, but some great writers helped me writing this."

I mentioned all those writers na tumulong sa 'kin na maisulat ko ang script at plot nitong movie na 'to. They helped me na maisakatuparan ko ang last movie ko rito sa London bago ako bumalik ng Pilipinas at doon na ipagpatuloy ang career ko sa film industry.

"This is your own experiences in love, so you fell in love already? Who's the lucky guy?"

Bahagya akong natigilan sa itinanong sa 'kin ng isa pang reporter. Lahat sila ay mukhang naghi-hintay sa isa-sagot ko. Maya-maya ay muling bumalik ang ngiti sa labi ko bago ko sinagot ang tanong sa 'kin.

"I fell in love twice already." Sagot ko na ikinagulat ng lahat.

Kahit na natupad ko na ang pangarap kong maging isang tanyag na direktor sa buong mundo, I still managed to keep my love life private. Well, actually, iniiwasan ko lang talagang pag-usapan 'yon. After all those years, ngayon ko na lang ulit ito i-o-open, publicly pa. Maybe it's time to let go.

"You'll know the whole story in the movie. I don't wanna spoil it." Sabi ko saka ako napatawa.

Whew! I almost spoiled my own movie.

"Last question!"

Napatingin ako sa isang lalaking nagtaas ng kamay niya. Isa rin siyang reporter, and for some reasons, I feel like I've already known him kahit na ngayon ko lang naman siya nakita. And come to think of it, mukha siyang Pinoy.

"This is your last movie here before you go back to Philippines, right? Will you continue your career there?"

"Of course." I answered with my brightest smile. "There's someone I promised that I will continue my dream no matter what...so yes, I will continue my career in my own country."

Isang malawak na ngiti ang isinukli niya sa 'kin. "Maghi-hintay kaming mga kababayan mo sa muli mong pagba-balik."

Nagulat ako nang bigla siyang mag-Tagalog, pero napangiti rin naman ulit ako saka siya tinanguan.

•••••••

Napangiti ako nang malawak nang makalabas na 'ko ng airport. Pumikit ako saka dinama ang init ng Pilipinas. I didn't know na ma-mi-miss ko ang init ng Pinas. Dati naman ay ayaw na ayaw ko 'to kasi ang lagkit-lagkit sa katawan. Ang tagal ko rin palang nawala at sobra ko 'tong na-miss.

"Ang OA naman!"

Napamulat ako nang marinig ko ang pamilyar na boses na 'yon ni Cav. Kasama niya sila Hanz, Niña, Ellie, at Vance.

Rulings Of Love (EDITING)Where stories live. Discover now