Chapter 9: Girls Talk

662 7 0
                                    

Dani's POV

"Ate, bakit ba kasi ayaw mo 'kong papasukin sa room mo? Gusto ko lang namang makipag-kwentuhan sa 'yo e. Na-miss kaya kita!" Rinig kong sigaw ni Ellie mula sa labas ng kwarto ko.

"Ellie, just wait, okay?! May ginagawa pa 'ko e!" Sigaw ko naman pabalik.

Busy kasi ako sa ginagawa kong surprise para sa kaniya. Sobrang biglaan naman kasi ang pagdating niya e, hindi ko tuloy napaghandaan 'to. Kaya naisip kong 'wag na lang magpakaon kay Dad kanina para makabili pa 'ko ng needs ko para sa surprise na 'to for her.

"Ano ba kasi 'yang ginagawa mo, Ate? Ngalay na 'ko rito sa labas o!" Reklamo niya kaya binilisan ko na ang ginagawa ko para matapos na.

"Pasok ka na, Ellie!"

Unti-unti niyang binuksan ang pinto ng room ko.

"Thank God at—"

Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya dahil sa nakita niyang ginawa ko for her.

"Welcome home, Ellie!"

Napatakip siya sa bibig niya. "Aww! Ang sweet mo, Ate!"

Nagsabit kasi ako ng mga banderitas sa buong kwarto ko pagkauwing-pagkauwi ko kanina. Tapos gumawa ako ng malaking banner na may nakasulat na 'WELCOME HOME, ELLIE!' Bumili rin ako ng dedication cake na may nakalagay rin sa top na 'Welcome Home, Ellie!'

Hawak-hawak ko 'yong chocolate cake na alam kong favorite flavor niya.

"Nagustuhan mo ba?"

"I don't like it." Sabi nya with a serious face. Biglang nawala ang malawak na ngiti sa labi ko. "I super love it, Eonnie! Kaya pala nagmamadali ka sa pagpasok sa kwarto mo kanina e. Ito pala ang ginagawa mo. Thank you talaga, Ate. I love you!"

Binaba ko 'yong cake na hawak ko sa side table ko and then I gave her my warmest hug.

"I love you too, my Ellie."

Na-miss ko talaga 'tong bunso kong 'to. 4 years ba naman siyang wala rito sa bahay. The house felt empty without her. Nakaka-miss makipag-away sa kaniya.

Nagkalas kami sa pagkakayakap sa isa't-isa.

Tinignan niya 'yong cake at parang nag-aalangan. "Uhm, Ate, ikaw ba ang nag-bake nito?"

Napairap ako kasi alam ko na kung ano'ng ibig niyang sabihin do'n. She doesn't trust me. Well, if I were her, I won't trust myself either.

"Don't worry, binili ko lang 'yan. Hindi naman ako marunong mag-bake, 'di ba?" Nakairap na tugon ko.

She laughs. "Mas gusto ko pa rin 'yong ginawa mong cake noon bago ako umalis papuntang Korea. 'Yong chocolate cake na ginawa mo sa 'kin pero hindi nagmukhang chocolate cake kasi nasunog. Hahahahahahaha!"

Sinamaan ko naman siya ng tingin. Nag-effort na nga ako ng ganito, pinagtawanan pa 'ko imbis na mag-thank you.

"Sorry, Ate. Natatawa lang talaga ako ro'n hanggang ngayon everytime na maaalala ko 'yon." Tumawa siyang muli pero maya-maya ay nginitian niya 'ko. "Pero para sa 'kin, ang sweet no'n kasi kahit hindi ka naman marunong mag-bake at magluto, ginawa mo pa rin for me."

Napatawa na rin ako. "Hindi na 'yon mauulit, 'no? Hindi ko na ulit susubukang mag-bake."

Tumawa kami pareho saka ko naman siya binigyan ng isang slice ng cake. Tapos kumuha na rin ako ng isang slice at naupo kami sa kama ko. Dapat pala bumili na lang ako noon ng cake para hindi nasayang. Hindi rin kasi niya nakain 'yong cake na ginawa ko for her 4 years ago. That was a mistake, I know.

"Uhm, Ate?" Napaangat ang tingin ko sa kaniya nang hindi nawawala ang ngiti ko sa labi. "A-About Kuya Ken."

Napatigil ako sa pagsubo ko no'ng cake at nawala rin ang ngiti sa labi ko. Hindi ko ba talaga matatagalan ang isang araw nang hindi ko naririnig ang pangalan niya?

Rulings Of Love (EDITING)Where stories live. Discover now