Chapter 43: Dani's Answer

399 7 0
                                    

Vernon's POV

Tutok na tutok ako sa pinapanod kong YouTube video ng tutorial kung paano gumawa ng bouquet of tulips na gawa sa papel. Habang nanonood ako ay gumagawa rin ako nang sa 'kin.

Actually, ilang araw ko na 'tong ginagawa at ang dami ko nang nasayang na papel dahil puro kapalpakan lang ang nagagawa ko, pero ngayon ay mukhang gumagaling na 'ko dahil wala pa 'kong nagagawang mali simula kaninang nagsimula ulit akong gumawa.

"YES!" Masayang sigaw ko nang matapos ko na 'tong bulaklak na ginagawa ko noon pang isang araw.

Malawak ang pagkakangiti ko habang nakatitig ako ro'n.

"Sa wakas, natapos din kita." Bulong ko sa sarili ko.

Hindi maalis ang ngiti sa labi habang nakatitig ako sa nagawa ko.

Sino ang mag-aakalang ako ang gumawa nito? Parang propesyonal ang gumawa e. Sana lang ay magustuhan 'to ni Cherry.

Gusto ko sana kasi siyang bigyan ng red tulips kasi bukod sa favorite niya raw ang tulips ay red ang nag-re-represent ng love and romance ayon kay Google. Kaya lang, naisip ko, nalalanta ang mga bulaklak at gusto kong bigyan siya sa birthday niya ng isang regalo na alam kong magtatagal. Saka, my love for her doesn't wither, it blooms.

Pati ako ay hindi ko alam kung saan nang-gagaling ang lahat ng mga naiisip kong cheesy lines at itong mga effort na ginagawa ko ay hindi ko alam kung paano ko naiisip at sa'n ko nakukuha ang sipag na gawin ang mga 'to.

I wasn't fond of these kind of stuffs. Ayaw na ayaw kong makakarinig ng kahit na ano mang cheesy or cringe lines, especially about love. Ayokong nakakabasa ng mga love letters o makakita ng kahit na ano pa mang bagay na kinakailangan ng efforts and patience para lang sa taong minamahal nila.

Napabuga ako ng hangin.

"I can't imagine that those things that I find cheesy or too cringe to handle, are the things I'm doing now for the one I love." Sabi ko habang nakatingin sa ginawa ko.

Hindi ko rin inakalang magmamahal ako. Akala ko ay habang buhay na lang akong mamba-babae. Kaya ko namang mag-isa kapag tumanda na ako e.

I didn't need anyone else by my side. I was okay being alone back then, but...Dani came into my life and everything changed.

Hindi ko alam kung ano'ng ginawa niya sa 'kin para maging ganito ang epekto niya sa buhay ko. But I'm loving it, actually. Katulad nga ng palagi kong sinasabi, I will never regret falling in love with her, kahit na ano pa mang magiging sagot niya sa 'kin sa birthday niya.

Biglang pumasok sa isipan ko 'yong nangyari noong isang araw. Noong hinayaan kong makipag-usap siya kay Ken.

Nakita ko kasi sa mga mata niyang gusto niyang sundan si Ken at kausapin e. Base rin sa narinig ko sa pag-uusap nila ay hindi naging maganda ang usapan nila. Alam kong kailangan niya 'yon kung gusto niya talagang maka-move on na sa past niya.

Bumalik sa alaala ko ang mga sinabi sa 'kin ni Cav, pinsan ni Dani, nang makita niya 'ko noong araw na 'yon.

"Bakit mo hinayaan?"

Napatingin kaming tatlo nila Ellie at Van sa nagsalita.

"Kuya Cav? What are you doing here?" Tanong sa kaniya ni Ellie. "Wala ka bang klase sa school niyo? Trespassing ka na naman dito."

Nagkibit-balikat lang siya saka naupo sa tabihan ko at bigla na lang akong inakbayan. Hindi ko alam kung friendly lang ba talaga 'to o feeling close lang siya.

"You're overthinking." Sabi niya kaya napataas ang dalawa kong kilay sa kaniya. Nginisian naman niya 'ko. "Natatakot ka na baka kapag nag-usap sila ay ma-realize ni Dani na mahal niya pa talaga si Ken at gustuhin niya ulit na ibalik ang kung ano'ng meron sila noon ni Ken. 'Di ba?"

Rulings Of Love (EDITING)Where stories live. Discover now