Chapter 42: Marriage In Mind

382 6 0
                                    

Hanz's POV

Nagti-tingin ako ng singsing sa mall. Nakangiti ako habang pinagmamasdan ang mga 'yon. Hindi pa naman talaga ako mag-p-propose sa kaniya kasi gusto ko munang matupad namin ang mga pangarap namin ni Niña. Third year college pa lang naman kami, marami pang mangyayari. Gusto ko lang talagang bumili na ng singsing at itago 'yon habang tinutupad namin ang mga pangarap namin. Gusto kong kasama namin 'yong engagement ring na 'yon hanggang sa maging maganap kaming Lawyer. At kapag okay na ang lahat, kapag ready na kami pareho, I will give it to her. Wala na kasi akong iba pang nakikitang babae na para sa 'kin kundi si Niña lang. Hindi ko na ma-imagine pa ang sarili ko na wala siya. Siya na 'yong babaeng nakikita kong makakasama ko habang buhay, hanggang sa pagtanda ko.

Napukaw ng paningin ko ang isang singsing. May isang malaking kristal na bato sa gitna, dalawa naman sa magkabila nitong gilid na medyo maliit dito. At may dalawa pa ulit na maliit na kristal sa magkabila ring gilid no'ng dalawa. May pagka-gold din 'yong buong singsing.

 May pagka-gold din 'yong buong singsing

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Napangiti ako habang nakatitig do'n. "I think...this is the one." I whispered to myself saka nakangiting bumaling do'n sa saleslady at itinuro 'yong singsing na nasa display. "Pwede ko ba 'tong makita?"

"Yes, sir."

Nakangiti niyang kinuha 'yong singsing sa lagayan at ibinigay sa 'kin. Nakangiti ko naman 'yong tinanggap at isinukat sa hinliliit ko. Mas lalong lumawak ang pagkakangiti ko nang kumasya 'yon do'n. Magkasing size lang kasi ang hinliliit ko at ang ring finger niya.

"Kukunin ko na 'to." Sabi ko ro'n sa saleslady.

"Sige po, babalutin ko lang, sir."

Nang maibalot na niya 'yon ay ibinigay na niya 'yon sa 'kin. Umalis na 'ko ro'n at uuwi na sana nang mapadaan ako sa isang book store. Bigla kong naalala na malapit na nga pala ang birthday ni Dani. Simula nang maging kami ni Niña ay naging kaibigan ko na rin naman si Dani. Sobrang supportive niya sa relasyon namin ni Niña at nakakatuwa 'yon para sa 'kin.

Naisip kong tawagan si Niña para tanungin sa kaniya kung ano ang gustong libro ni Dani. Ang alam ko lang kasi ay mahilig siyang magbasa ng mga libro pero hindi ko alam kung anong klaseng libro ang gusto niya.

Naka-ilang ring lang ay sinagot na niya agad 'yon. "Hi, Sweetheart! Did I disturb you?"

Narinig ko pa ang paghikab niya. Mukhang kakagising lang niya ah. Nagpuyat na naman siguro 'to kakanood ng K-drama kagabi.

["Morning, Sweetheart. Hindi naman, okay lang."] Halata sa boses niyang kakagising lang niya.

Napatawa ako. "Lunch na, Sweetheart. Nanood ka na naman ba ng K-drama kagabi? Sabi ko naman sa 'yo, ayos lang manood niyan, basta 'wag kang magpu-puyat. Masama sa kalusugan mo 'yang pagpu-puyat mo, Sweetheart." Sermon ko sa kaniya.

Minsan talaga, hindi siya marunong makinig sa 'kin. Palagi kasing siya ang nasusunod, na okay lang naman sa 'kin. Mabuti na lang talaga at mahal ko 'to.

Rulings Of Love (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon