Chapter 53: Here For You

1K 4 0
                                    

(Trigger Warning: Some scenes may trigger some trauma. Read at your own risk.)

--

Ellie's POV

Napabuga ulit ako ng hangin sa hindi ko na mabilang na pagkakataon.

These past few days, I can't even smile or even eat properly because of what happened. Hindi ko naman alam na sa pagbalik ko rito sa Pilipinas after four years ay maraming mangyayaring stress sa buhay ko. Pero alam ko namang wala lang 'tong stress na nararamdaman ko compared sa nararamdaman nila Ate at kay Vance pati pamilya niya e. Hindi ko nga rin alam kung paano ko pagagaanin ang loob ng dalawa sa mga taong pinaka importante sa buhay ko. I know naman na walang exact words to say to make them feel better.

Why did this even happen? Bakit bigla na lang naging ganito ang lahat?

Okay pa kami e. Okay pa kaming lahat e. Masaya na kami e. Hindi ko alam kung bakit may ganito pang nangyari sa buhay namin.

"Besty." Bahagya akong napaigtad nang maramdaman kong may humawak sa kanan kong balikat. "Ah, sorry, Besty. Nagulat ba kita?"

Halata kay Hanna na nag-aalala siya sa 'kin.

Umiling ako at nag-try ngumiti even though I don't feel like smiling these days.

"It's fine, Besty. Bakit mo nga pala ako tinawag?"

Lumapit naman sa 'min si Ryan saka sila nagkatinginang dalawa bago muling tumingin sa 'kin na mukhang nag-aalala na talaga.

"Besty, sobrang pre-occupied ka talaga, 'no?"

"Huh?"

Napabuga naman ng hangin si Ryan. "El, lunch na natin. Wala nang mga tao o. Lahat sila ay nasa canteen na. Hindi ka ba nagugutom?"

Sa sinabi niya ay napalingon naman ako sa buong classroom namin.

Yeah, lunch na nga at tatlo na lang sa mga kaklase namin mapwera sa 'min ang natira rito sa room.

Rinig ko naman ang pagbuga rin ng hangin ni Hanna.

"Alam mo, Besty? Ganiyan na ganiyan din si Kuya. Hindi nga namin alam nila Mama at Papa kung paano siya i-c-comfort e. Alam mo naman kung gaano ka-close sila ni Kuya Vernon, 'di ba? Kaya sobrang affected din siya sa biglaang pagkawala ng kaibigan niya." Sambit niya. "E, kumusta naman si Vance saka kapatid mo?"

Ako naman ang napabuga ng hangin. "Gano'n pa rin, pero mas affected si Ate kasi siya 'yong nando'n nang mangyari 'yon. Hindi ko nga alam kung mabuti bang nakaalala ulit siya o hindi na lang. Natatakot kami sa pwedeng gawin ni Ate kasi pamula nang lumabas siya sa kwarto niya at pumunta sa burol ni Kuya Vernon, hindi pa siya ulit nagsa-salita. We don't even know kung ano ang tumatakbo sa isip niya. Palagi lang siyang nakatulala, walang imik, walang emosyon. Ni hindi na nga siya umiiyak e, kaya mas natatakot kami kasi wala siyang kinakausap ni isa sa 'min, even her best friend."

Napatingin naman ako kay Ryan nang ipatong niya ang isa niyang kamay sa kaliwa kong balikat, and then he smiled at me.

"Everything will be okay again, El. Sa ngayon, forget about it for awhile and let's eat lunch first. You need to eat, El. Baka malipasan ka niyan ng gutom at kami naman ang mag-alala sa 'yo." Ryan said.

"Rye's right." Hinila na 'ko ni Hanna para tumayo. "Halika na, mamaya ka na magmukmok diyan. At least kapag nagmukmok ka ulit mamaya, busog ka na." Biro pa niya.

Napatawa rin naman ako sa biro niya.

Kahit pa'no ay gumaan ang loob ko dahil nandito sila Ryan at Hanna, na mga kaibigan ko, para sa 'kin. I can't imagine my life without them anymore. They became my best friends now.

Rulings Of Love (EDITING)Where stories live. Discover now