Chapter 35: Giving Assurance

345 5 0
                                    

Vernon's POV

Napabuga ulit ako ng hangin sa hindi ko na mabilang na pagkakataon saka ininom 'yong beer na kanina ko pa iniinom. Nandito kasi ako ngayon sa Stone Bar ngayong gabi. Hindi mawala sa isip ko 'yong mga narinig ko kanina sa pag-uusap nila Cherry at Ken.

Nando'n ako no'ng mag-usap sila. Narinig ko ang lahat, narinig ko lahat-lahat. At hanggang ngayon ay hindi mawala sa isip ko 'yong mga sinabi niya kay Ken at 'yong umiiyak niyang mukha habang sinasabi niya 'yon.

Ang dami mo palang itinatago sa loob mo, Cherry. Ang dami mo palang pinagdaanan na hindi alam ng iba.

"You're good at hiding your true feelings." I whispered to myself. Ininom ko ulit 'yong beer saka nag-isip kung ano ang pwede kong gawin para mapagaan ang loob niya. "Ano ba'ng pwede kong gawin para sa 'yo, Cherry?"

Napatingin ako sa bartender, 'yong kakilala ni Hanz.

"Hey!" Tawag ko sa kaniya.

Lumingon naman siya agad sa 'kin. "Yes, sir? May kailangan po kayo?"

Nag-isip muna ako saglit bago nagsalita. "May jowa ka na ba?"

"Po?" Halata sa mukha niya na hindi niya inaasahan ang tanong ko. "S-Sir, straight po ako."

Sumama bigla ang mukha ko dahil sa sinabi niya. "Siraulo! Hindi ako bading! Straight din ako, 'no?" Bumuga ako ng hangin. "May itatanong kasi ako kaya ko tinatanong kung may jowa ka na ba. May girlfriend ka na ba o nagka-girlfriend ka na ba?"

Tumango naman siya kahit pa mukhang nagtataka pa rin siya sa tanong ko sa kaniya. "Meron po akong girlfriend ngayon, sir. Bakit po ba ninyo tinatanong? Hindi po ako nagpapareto. Faithful at loyal po ako sa girlfriend ko."

"Tsk! Pwede ba patapusin mo muna ako bago ka mag-assume ng kung anu-ano?!" Medyo tumaas ang tono ng boses ko. "Okay, ganito. Halimbawa, 'yong girlfriend mo ay may ex. 'Yong ex na 'yon, hindi naging maganda ang ending ng relasyon nilang dalawa. Hindi siya nagawang ipaglaban no'ng ex niya sa pamilya nito at hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin 'yong girlfriend mo sa past nila. Ano'ng gagawin mo para mapagaan ang loob niya?"

Napaisip naman siya sa tanong kong 'yon habang ako naman ay nakatitig lang sa kaniya at hinihintay ang isasagot niya.

Bumuga siya ng hangin. "Sir, sa totoo lang po, kung about po 'yan sa past niya, wala po akong magagawa para mapagaan ang loob ng girlfriend ko kasi hindi naman po ako involved sa past nila e. Ako lang po 'yong present, at pwedeng maging future niya. 'Yong girlfriend ko lang po ang makakapagpagaan ng loob niya sa pamamagitan ng pagpapatawad niya ro'n sa ex niya at pag-move on sa past nila." Muli siyang nag-isip bago nagsalita ulit. "Ang pwede ko lang pong magawa para sa kaniya para kahit paano ay mapagaan ko ang loob niya ay ang patunayan sa kaniya araw-araw na kaya ko siyang ipaglaban sa kahit na ano o sino. Ang iparamdam sa kaniya kung gaano ko siya kamahal through efforts, words, actions. Bigyan siya ng assurance na siya lang lagi ang pipiliin ko araw-araw. Not just by words, but also with actions. Dapat maramdaman niya 'yon, sir, hindi lang marinig mula sa bibig ko."

Napaisip ako sa mga sinabi niya. Tumango-tango ako habang iniisip ang mga pwede kong gawin para maparamdam 'yon kay Cherry. I'm still new with things so I really don't know what to do. Si Hanz kasi, naturingang kaibigan ko, mas inuna pa jowa niya. Well, naiintindihan ko naman siya. Mas uunahin ko rin naman si Cherry kaysa sa kaniya. Hahahaha!

"So, paano ko—este, paano mo gagawin 'yon?"

"Hmm?" Napatingin siya sa taas sa pag-iisip niya saka tumingin ulit sa 'kin kaya mas lumapit pa 'ko sa kaniya para pakinggan ang sasabihin niya. "Kayo na po ba?"

"Ha?"

Bumuga siya ng hangin. "Alam ko naman po na may babaeng nasa isip niyo ngayon e. 'Wag niyo na pong gawing halimbawa 'yong girlfriend ko. So, kayo na nga po ba?"

Rulings Of Love (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon