Chapter 3: Ice Cream

1K 10 4
                                    

Dani's POV

"WHAT?!"

Sabay na sigaw sa 'kin no'ng mag-jowa matapos kong ibalita sa kanila na kami na ni Vernon at hindi sila makapaniwala sa sinabi ko. Sino ba naman kasing maniniwala ro'n? Kung ako rin naman sa kanila, pareho lang kami ng magiging reaksyon.

Sabi ko na nga ganito ang magiging reaksyon nila lalo na ni Niña e.

"Teka! Bessy, as in kayo na for real or you're just pretending?" Hindi pa rin makapaniwalang tanong sa 'kin ni Niña.

Alam kong nagdududa na siya ngayon sa 'kin. Kilala ko 'tong best friend kong 'to, alam na alam niya kapag nagsi-sinungaling ako.

"We're not pretending, Bessy. It's real. Kami na ni Vernon." Pilit kong pagsisinungaling at pinipilit na mapapaniwala sila sa mga sinasabi ko. "No'ng isang araw lang. Actually, matagal na kaming magkakilala no'n, hindi ko lang nasabi sa 'yo, Bessy. Nakikita ko rin naman siya noon palagi kasi nakikita ko siyang kasama ni Hanz. Nagkaroon ako ng little crush sa kaniya and now we decided na totohanin na lang. He wants me to move on with my ex at gamitin siya for that, on the other hand, gusto niya na rin daw magbago at sa tingin niya magagawa raw niyang magbago kung pipilitin niyang magbago for me."

Pinasingkit ni Niña ang mga mata niya kaya mas kinabahan ako kaya pinigilan ko ang sarili kong kagatin ang kuko dahil malalaman niya lalong nagsi-sinungaling ako. Sabi ko na talaga hindi effective ang pagsi-sinungaling sa isang 'to e.

Maya-maya lang ay biglang nagbago ang expression ng mukha niya at mukhang nag-aalala na siya sa 'kin.

"Epekto ba 'yan ng break up niyo ni Ken, Bessy?" Tanong niya.

Sasagot na sana ako pero naunahan ako ni Hanz magsalita.

"Oo nga. Seryoso ka ba, Dani?" Paniniguro ni Hanz. "You know that Ver is a playboy, right? He doesn't take things seriously, especially with girls. Wala pa siyang nagiging seryosong relasyon. Baka masaktan ka na naman sa huli."

I sighed. Kunwari medyo malungkot ako. Wow! Ang galing ko palang umarte. Pwede na 'kong mag-artista nito.

"I know, pero alam ko na magbabago rin siya. Sinabi naman niya na he'll try to change for me e." Asa pa na magbago 'yon. "Saka, pinag-usapan naman namin 'yan noong una pa lang. Kapag hindi ako naka-move on sa ex ko at hindi niya nagawang magbago, then we'll end our relationship."

Ang hirap namang magsinungaling. Bakit ba kasi naisipan pa no'ng Vernon na 'yon 'yong rule #2 e? Tss!

"Hindi pa rin ako makapaniwala, Bessy." Singit ni Niña. Alam ko talagang mahirap 'tong mapaniwala kaya hindi na 'ko aasang maniniwala siya. Bahala na lang sa parusa ko kay Ver. "Noong isang araw lang ay nagbabangayan pa kayo at kung maka-ayaw ka pa sa kaniya, tapos ngayon, kayo na? Agad-agad?"

Kung alam mo lang, Bessy. Kung alam mo lang kung gaano ko pinagsi-sisihang pumayag akong magpanggap siya na boyfriend ko at ilihim sa inyo ni Hanz.

Hindi ko na nasagot ang tanong ni Niña nang may bigla namang umakbay sa 'kin at umupo sa tabi ko. Nasa canteen kasi kaming tatlo nila Niña at Hanz dahil lunch break namin ngayon.

"Hi, Love!" Bati sa 'kin ni Ver.

Masyado naman 'tong in character at may paakbay pa. Yare 'to sa 'kin pag-alis nitong dalawa. Sa ngayon ay kailangan ko munang makisakay sa kaniya. Nginitian ko siya, 'yong ngiting plastik na nagmukhang ngiwi.

"Hi, Niña!" Bati niya sa best friend ko na nginitian lang naman nito. Nakipag-fistbump naman siya kay Hanz. "Hi, p're! What's up?"

Pinaglipat-lipat niya ang paningin niya sa 'ming tatlo na may ngiti sa labi niya. Gusto lang naman niyang maki-chismis e.

Rulings Of Love (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon