Chapter 14: It's A Date

507 7 0
                                    

Dani's POV

Nagulat ako kasi paglabas ko ng room ay nakita ko si Abby na may kausap na lalaki. Napakunot ang noo ko dahil sobrang lapit ng mga mukha nila sa isa't-isa.

Medyo lumapit ako sa kanilang dalawa pero nakatago pa rin ako kasi baka makita nila 'ko. I know it's not right to eavesdrop but I'm just curious with these two. I wanna know what's their relationship. Bakit ganiyan sila mag-usap?

"Magkita na lang tayo sa mall, tomorrow at 10am, okay?" Rinig kong sabi ni Abby sa lalaking kausap niya.

"Okay, babe."

Wait! Babe?!

Nagulat ako nang halikan ni Abby sa labi 'yong lalaking kausap niya. Sila na ni Ken, hindi ba? So sino 'tong lalaking 'to?

Umalis na 'yong lalaki at si Abby. Nag-iba sila ng way para hindi sila mahalata. Naglakad sila na parang walang nangyari.

What the hell was that?!

I need to find who's that boy and what's their relationship. Well, it's obvious naman na may relasyon silang dalawa at nagtataksil si Abby kay Ken, but I still need to make sure.

Nakita ko naman si Ver na may kahalikan na namang babae. Hindi na rin naman ako nagulat. What do I expect? Hindi na siya nadala sa parusa niya. I-upload ko kaya 'yong picture niya para mawalan na ng amor sa kaniya ang mga babae niya.

Nang mapansin niya 'ko ay nagulat siya kaya naitulak niya 'yong babae na mukhang nabitin naman sa ginagawa nila.

"C-Cherry?!"

Tinaasan ko siya ng kilay. "Hanggang kailan ka ba susuway sa rules natin, ha, Mr. Playboy?"

"Honey, who's this girl? Siya ba 'yong rumored girlfriend mo raw? So may girlfriend ka na nga?" Singit naman nitong babae niya na mukhang nagseselos pa.

Tinaasan ko rin siya ng kilay. "Yes, I'm his girlfriend, and you better back off kung ayaw mong kalbuhin kita ngayon din!" Banta ko sa kaniya.

Mukhang natakot naman siya kaya umalis na agad.

"Eto naman, selos agad e."

Nilingon ko si Ver at malawak na naman ang ngisi sa labi niya.

"Selos ka riyan!" Sigaw ko. "Nilabag mo na naman 'yong rule #3 natin. May parusa ka na naman, Mr. Playboy."

"Siya naman ang unang nanghalik sa 'kin e." Palusot pa niya.

"At tinugon mo naman?"

Nagkibit-balikat siya. "Gano'n talaga, Cherry. Masarap kasi akong halikan e, at masarap din akong humalik. Kaya nga ang tagal mo 'kong hinalikan noon sa Stone, 'di ba? Admit it, magaling akong humalik."

Ayan na naman 'yong nakakairita niyang ngisi. Feeling ko pa ay nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. Naalala ko na naman 'yon. Yes, magaling siya humalik, I admit that, pero hindi ko 'yon aaminin sa kaniya, lalaki lang lalo ang ulo nitong jerk na 'to.

Tumawa siya. "Nag-b-blush ka, Cherry. Ikaw ha? Hahahahahaha!"

"H-Hindi kaya ako nag-b-blush!"

Napahawak pa 'ko sa dalawa kong pisngi. Hindi naman talaga ako nag-b-blush. I'm just embarrassed. It's embarrassing naman talagang makipaghalikan sa isang player, 'no?

"Sus! Deny pa more, Cherry. Hahahahaha! Okay lang 'yan, naiintindihan kita. Ganiyan din sila matapos nila 'kong mahalikan." Pang-aasar pa niya.

Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko. "'Wag mo ngang ibahin ang usapan! Nilabag mo ang rules natin kaya paparusahan kita." Naisip ko 'yong mga nakita ko kanina. "Samahan mo na lang ako bukas."

Rulings Of Love (EDITING)Where stories live. Discover now