Chapter 34: Dani's Hidden Feelings

396 6 0
                                    

Dani's POV

Nakangiti lang ako buong araw matapos ang gabing 'yon kung saan mas nakilala ko pa si Vernon.

Nakilala ko kung sino talaga siya. Kung bakit siya naging isang playboy. Mas naintindihan ko siya. Nalaman ko na mabuti talaga siyang tao. I never realize na ito pa talaga 'yong totoong Vernon na hindi kilala ng iba. 'Yong Vernon na pilit niyang itinatago sa lahat. And I'm just so glad ang happy na isa ako sa mga taong may alam no'n.

Alam ko na ngayon na hindi lang siya basta isang jerk na walang ibang alam kundi ang mambabae. He's more than that. Hindi ko rin naisip na masasabi ko 'to tungkol sa kaniya.

"Dani."

Napalingon ako sa tumawag sa 'kin. Nawala ang ngiti sa labi ko nang malamang si Ken 'yon.

"Ken? Why?" Tanong ko sa kaniya.

Hindi naman kasi siya madalas na magpunta rito sa field e. Kahit noong kami pa, ayaw na ayaw niyang tumambay rito lalo na rito sa puno na 'to.

Kaya nga kapag may klase lang siya at vacant ko naman ay sa time lang na 'yon ako nakakatambay rito at nakakapagbasa ng libro. Hindi rin naman niya hilig magbasa ng libro e. Ang gusto niya lang basahin ay 'yong mga librong may kinalaman sa medicine, which is his course.

"Can we talk?"

Napabuga ako ng hangin saka tumayo sa pakaka-upo ko at hinarap siya.

"Ito na naman ba, Ken? Hindi pa ba tayo tapos dito? Hindi ba sinabi ko na sa 'yo no'ng isang araw na kahit ano pa mang gusto mong sabihin sa 'kin ay ayoko nang pakinggan?"

Medyo tumaas ang tono ng boses ko dahil sa inis ko.

"Pareho na tayong may iba. May Abby ka na, may Vernon na 'ko. Bakit ba gustung-gusto mo pa ring balikan at pag-usapan 'yong tungkol sa 'ting dalawa? Ikaw na nga mismo ang tumapos no'n, remember? You broke up with me. You cheated on me, Ken. Ipinagpalit mo 'ko sa Abby na 'yon, baka nakakalimutan mo. Tapos ngayon, lalapitan mo 'ko para pag-usapan tayong dalawa? Ken, wala na 'yong tayong dalawa. Matagal nang tapos 'yon and I'm already trying to move on from you. Can't you just let me do that for myself?!"

Hindi ko na napigilan pa ang galit ko at napasigaw na 'ko. Wala na 'ko ngayong pakialam kung may makarinig pa sa 'kin.

"Bakit kailangan mo laging um-epal kung kailan pinipilit ko nang kalimutan ka at maging masaya ulit nang wala ka?! Please naman, Ken! Hayaan mo na 'ko! Patahimikin mo na 'yong buhay ko! Can't you just let me be happy again?!"

"Dani, please. Just hear me out first. I'll explain everything to you." Mangiyak-ngiyak na saad niya.

Sinubukan niyang hawakan ang mga kamay ko pero agad akong umiwas.

"Don't touch me! 'Wag na 'wag mo 'kong hahawakan, Ken. Naiinis ako sa 'yo at baka kapag sinubukan mo 'kong hawakan ay hindi ko mapigilan ang sarili ko at masampal kita."

Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko. Kapag hindi ko na napakalma ang sarili ko, baka masampal ko siya na ubod nang lakas.

"Bumalik ka na kay Abby kasi baka magselos pa 'yon at sugurin ako. Ayoko na ng gulo, Ken. Gusto ko na lang ng tahimik at masayang buhay ulit. Nakakapagod magalit e. Kaya please lang, layuan mo na 'ko. Layuan niyo na 'ko ni Abby. Gano'n din ang gagawin ko."

Nilagpasan ko na siya at akmang aalis na sana nang bigla na naman siyang nagsalita na siyang nakapagpatigil sa 'kin sa paglalakad ko.

"I never cheated on you, Dani."

Hindi ako nakagalaw sa pwesto ko dahil sa sinabi niya. Naguguluhan ako, sobra. I don't know what the fvck has gotten into him.

"Hindi kita niloko. Hindi kita ipinagpalit. Kahit kailan, Dani, hindi ko magagawa 'yon sa 'yo. I love you so much that I can't afford to lose you."

Rulings Of Love (EDITING)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora