Chapter 8: Cute Quarrel

666 9 0
                                    

Niña's POV

Nagtatago muna ako kay Hanz. Kanina pa niya kasi ako sinusundan e.

Hindi naman talaga ako galit sa kaniya. Trip ko lang magtago at magpahabol sa kaniya. Alam kong malakas ang trip ko pero mana lang din ako sa boyfriend ko. Ganito rin naman siya mang-trip sa 'kin minsan e.

Napadaan ako sa field ng school. Nakita ko si Bessy na nakatalikod mula sa 'kin tapos nakatayo lang siya at parang hindi gumagalaw kaya nilapitan ko siya.

"Bessy!"

Hindi pa rin siya nalingon sa 'kin kaya pumunta na 'ko sa harapan niya. Nakatulala siya kaya pumitik ako sa may mukha niya. Mukhang effective kasi parang bigla siyang bumalik sa reyalidad.

"B-Bessy?"

"What happened to you, Bessy? Bakit ka tulaley riyan?" Tanong ko.

"H-Ha? W-Wala!" Nag-panic siya bigla kaya medyo naghinala ako. "Wala lang to, Bessy. M-May...may nakita lang ako na..."

"Na?"

"Na..." Tumingin siya sa side tapos tumingin ulit siya sa 'kin. "Na langgam!" Pasigaw na sagot niya. "Oo, na langgam. Nakakita ako ng langgam na buntis. Ngayon lang kasi ako nakakita no'n kaya nagulat ako. Hehehe!"

I'm not that stupid not to know that she's hiding something from me, but I won't force her na sabihin 'yon sa 'kin. For sure naman na hindi niya rin kayang maitago 'yan sa 'kin. I'm just gonna wait na lang kung kailan siya mag-o-open up sa 'kin sa kung ano mang lihim niya.

Also, hindi pa rin ako kumbinsido sa relasyon nilang dalawa ni Vernon. Feeling ko, these two are hiding something from us, but I also understand them. Hihintayin ko na lang na magsabi sila ng totoo sa 'min ni Hanz. For now, I'll just pretend na I'm getting along with their relationship kuno.

"Ano nga palang ginagawa mo rito, Bessy? Nasa'n si Hanz?" Luminga-linga siya sa paligid. "Hindi ako sanay na hindi kayo magkadikit na dalawa. 'Wag mong sabihing magkagalit pa rin kayo?"

"Hindi naman ako galit sa kaniya e. Trip ko lang talaga siya ngayon. Nag-galit-galitan lang ako sa kaniya. Hahahahaha!"

Umismid siya. "Ang lakas ng trip mo, Bessy, ha?"

"SWEETHEART!"

Napalingon kami ni Dani sa tumawag. Nakita namin ang papalapit sa 'min na si Hanz na parang hingal na hingal. Pawisan pa nga siya e. Naawa naman ako sa kaniya.

"Hanz, what the hell happened to you?" Tinignan pa ni Dani mula ulo hanggang paa si Hanz.

Huminga muna 'yong boyfriend ko bago sumagot. "Hinanap ko kasi sa buong school 'yang bestfriend mo e. Nandito lang pala siya." Bumaling siya sa 'kin. "Sa'n ka ba kasi nagpunta, Sweetheart? Hinanap kita kung saan-saan e. Nakakapagod ah."

Nakahawak pa siya sa dalawa niyang tuhod at hingal na hingal. Gusto ko siyang yakapin at punasan ng pawis kaya lang gusto ko pa siyang pag-trip-an e. Hahahahaha!

Nakaisip ako ng panibagong pang-trip sa kaniya. "Ahh, nakakapagod pala ha? Sinabi ko bang hanapin mo 'ko sa buong school? Hindi naman, 'di ba? Kung napapagod ka na, edi magpahinga ka! Napapagod ka na pala e."

Bigla siyang umayos ng tayo. "Ha? Sino'ng may sabing pagod ako? Hindi ako pagod, 'no? Lakas kaya nito!"

Itinaas niya pa 'yong isa niyang braso at ipinakita niya 'yong muscle niya. Muntik pa 'kong matawa dahil sa ginawa niya, mabuti na lang at napigilan ko.

"Hay nako, puro kalokohan. Umalis na nga kayo rito." Reklamo sa 'min ni Dani.

Inirapan ko naman si Hanz. "Che! Bahala ka nga riyan!"

Rulings Of Love (EDITING)Where stories live. Discover now