Chapter 4: Broken Hearted

892 7 2
                                    

Vernon's POV

Pag-alis ni Cherry ay umalis na rin ako para maghilamos. Nang makarating akong CR ay naghilamos agad ako saka napatitig sa salamin.

"Hay! Bakit ba napaka-gwapo mo, Vernon?" Pagkausap ko sa sarili ko.

Kumuha ako ng tissue at pinunasan ang mukha ko matapos kong pagpantasyahan ang sarili ko sa salamin. Inayos ko na rin ang sarili ko at lumabas na ng banyo.

Pagkalabas ko pa lang ng banyo ay bigla na lang may humigit ng kwelyo ko at itinulak ako sa pader tapos bigla na lang akong hinalikan ng babaeng humigit sa 'kin.

(Author's Note: This scene is a little s*xual. Not suitable for young readers. Read at your own risk.)

Nang naghiwalay ang mga labi namin ay nakilala ko na kung sino siya. Siya 'yong babae kanina ro'n sa canteen.

"I missed you, Ver!" Ngumuso siya habang hinihimas-himas ang dibdib ko. "Nakakainis naman kasi 'yong girlfriend mo kanina e. Is she really your girlfriend? I thought you don't want to enter a serious relationship? How about me?" May pagtatampo ang tono ng boses niya.

Actually, hindi ko naman talaga kilala 'tong babaeng 'to e. Sa rami ng babaeng naka-flirt ko, lahat sila hindi ko alam ang pangalan. I don't even need to know their names. Kapag nagsawa na kami sa isa't-isa ay nawawalan na rin naman kami ng contact e. So what's the purpose of knowing their names? Kay Cherry lang yata na pangalan ang alam kong pangalan ng babae. Mahirap nga lang bigkasin ang pangalan niya. Isa pa, I prefer calling her Cherry.

I smiled at her, a seductive one. "Sorry, babe. 'Wag mo nang intindihin 'yon. Hindi pa rin kita ipagpapalit sa kaniya. Ikaw pa ba? Mas gusto kita." I lift up her chin. "I'll make it up to you na lang. Hmm?"

"You'll make it up to me? How?" She gave me a meaningful look.

Alam ko naman kung ano ang ibig niyang sabihin at kung ano ang gusto niyang mangyari e.

"How about this?"

Hinila ko siya sa bewang niya at hinalikan nang mapusok. Siya naman ay napahawak sa buhok ko habang tinutugon din ang mga halik ko sa kaniya.

"Let's go to the clinic, baby." Suhestiyon ko nang maghiwalay ang mga labi namin.

Dali-dali kaming pumuntang clinic. Mabuti na lang at walang tao ro'n, wala rin 'yong school nurse. Itinulak ko siya sa isa mga kama ro'n at hinawi 'yong kurtina para hindi kami makita. And then we make out.

After that, inayos ko na 'yong sarili ko at lumabas na ng clinic. Hindi ko na hinintay pang matapos mag-ayos ng sarili 'yong babae.

Bigla namang sumagi sa isipan ko 'yong about sa deal namin ni Cherry.

"Holy shit!"

Nalimutan ko 'yong tungkol dun. Badtrip!

Anyway, wala naman akong pakialam do'n sa rules na 'yon. Sa parusa ako may pakialam, pero 'di naman no'n malalaman e.

"Ligtas pa rin ako." Napangisi ako.

"Ligtas saan?"

Out of nowhere ay bigla na lang lumitaw 'tong si Cherry. Para siyang kabute na bigla na lang lumitaw.

"C-Cherry?!"

Nagtataka niya 'kong tinignan. "O, bakit ganiyan ang itsura mo? You're pale. You look like you just saw a ghost."

"M-Maputi talaga ako, remember?"

Magsasalita na sana siya pero hindi na natuloy 'yon nang tawagin ako no'ng babaeng ka-make-out ko kanina.

Rulings Of Love (EDITING)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin