Chapter 59: To Heal

953 5 0
                                    

(Trigger Warning: Some lines/scenes here might trigger your trauma and mental health. Read at your own risk.)

--

Dani's POV

"Ms. Azucena, you failed your exam again."

Bumuntong hininga si Prof. Sanchez matapos niyang ibalita sa 'kin ang result ng semi-final exam namin. She didn't announce it to everyone. Pinatawag niya lang ako sa faculty para kausapin daw ako bago niya ibigay ang test paper ko. Alam ko naman na bagsak ako kaya niya 'ko pinatawag e. And now I'm standing in front of her desk while she's sitting there in front of me.

"Semi-finals na 'to, Ms. Azucena, at major subject mo pa 'to. Sabi pa ng iba mong professors ay bagsak din daw palagi ang mga marka mo sa kanila this semi-finals. Malapit na ang finals niyo, paano kapag ibagsak mo rin ang mga subjects mo sa finals? Baka umulit ka at hindi ka maka-graduate next school year niyan. You're not like this before. Hindi mo pinapabayaan ang pag-aaral mo noon because you said that you want to graduate, pero sa ginagawa mo ay mukhang hindi ka makaka-graduate niyan." She breathed out. "Look, Ms. Azucena, I know you're still mourning with the death of Mr. Fontanilla, but you can't ruin your dream for this. You can't ruin your life for this."

My life's already ruined the day Vernon died.

Muli siyang bumuga ng hangin saka may inabot sa 'king USB. Nagtataka ko naman siyang tinignan pero isang maliit na ngiti lang ang isinagot niya sa 'kin.

"That was your project that you have sent me." Aniya. "I think, mas kailangan mo 'yan ngayon, Ms. Azucena. Panoorin mo kapag may oras ka."

Kahit na nagtataka ako ay kinuha ko na lang din 'yon.

Ginawa ko 'to, so alam ko ang laman ng video na 'to. Why is she giving this to me now to watch it?

Matapos ang naging pag-uusap namin ni Prof. Sanchez ay umuwi na 'ko. May isa pa 'kong klase pero wala na 'kong gana na pasukan 'yon. After what happened, nawawalan na 'ko ng gana sa lahat. Even those things that I usually enjoy doing the most, tinatamad na 'kong gawin. I don't have that much energy to read a book. I don't have the energy to study. Heck, I don't have the energy now to live or even breath.

Bawat araw na lumilipas, bawat gising ko sa umaga, pabigat nang pabigat ang lahat. Pabigat nang pabigat ang nararamdaman ko kada araw na gumigising ako. Wala nang magandang nangyayari pa sa buhay ko, and I doubt if magkakaroon pa nga.

I decided to go on a walk first bago ako tuluyang umuwi sa 'min. Napadaan ako sa isang ice cream parlor kung saan kami madalas bumili noon ni Vernon ng ice cream. Hindi ko alam kung ano'ng pumasok sa isip ko at naisipan kong pumasok doon at um-order ng favorite niyang ice cream flavor na rocky road with cherry on top.

Nang maka-order ako ay naupo ako sa isahang table ro'n sa may dulo nitong shop. Sa apa ko lang pinalagay 'yong ice cream na binili ko. Ewan ko, pero nang kainin ko 'yon ay napangiti ako, isang masayang ngiti. Ngayon na lang ulit ako nakangiti ng ganito after what happened. At ngayon na lang din ako nakakain sa labas dahil sa trauma ko sa nangyari kay Ver. Pero unti-unti ring napalitan ng lungkot 'yong ngiti ko nang maalala ko na naman siya noong kasama ko pa siya.

"Where do you wanna go?" He asked.

Nag-isip muna ako nang mabuti bago nakangiting sumagot. "Sa public park."

"Sige, pero daan muna tayong ice cream shop." Natawa ako sa kaniya. Nagtaka naman siya sa 'kin. "O, bakit?"

"Sobrang hilig mo talaga sa ice cream, 'no?"

Napansin ko lang naman. Palagi ko kasi siyang nakikitang bumibili no'n e.

"Masarap kaya."

Rulings Of Love (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon