Chapter 32: Meet Lolo Julio

370 5 0
                                    

Vernon's POV

Umiling ako sa hindi ko na mabilang na pagkakataon. Naka-ilang palit na kasi si Cherry ng damit pero wala ni isa ang makuha ang taste ko. Bagay naman sa kaniya lahat kahit ano pa'ng isuot niya, kaya lang, parang may iba pa 'kong hinahanap na damit na alam kong mas babagay sa kaniya. I just don't know what exactly that dress is.

Inis siyang bumuga ng hangin. "Kanina pa tayo rito, Ver! Nauubos na oras natin sa pagpili pa lang ng damit ko! 6pm na kaya, isang oras na lang ang meron tayo. Bakit kasi hindi mo na lang ako inuwi para nagbihis na lang ako ng dress ko ro'n?!"

"Mas malapit kasi 'tong mall kaysa sa bahay niyo, kaya naisipan kong bumili na lang ng damit mo kaysa iuwi pa kita para magpalit." Sabi ko saka tinignan ang kabuuan niya. "This is also good on you, but there's really something missing. Believe me, Cherry, lahat ng isinuot mo, bagay sa 'yo." Tumikhim ako at umiwas ng tingin sa kaniya. "Lalo ka ngang gumanda sa mga 'yon e."

Hindi siya nagsalita kaya ibinalik ko ulit ang tingin ko sa kaniya. Nakaiwas na rin pala ang tingin niya sa 'kin at nakahawak din siya sa dalawa niyang pisngi. I silently chuckled when I saw her reaction.

Ang cute niya kiligin.

"Mukha ka na talagang cherry ngayon." Sa sinabi ko ay ibinalik niya ang tingin niya sa 'kin at mukhang hindi niya na-gets ang ibig kong sabihin do'n kaya inginuso ko ang mukha niya. "Kasing pula ka na ng cherry ngayon. You're blushing."

Nag-e-enjoy akong titigan ang namumula niyang mukha at dahil lang 'yon sa sinabi ko sa kaniya. She's cute and beautiful at the same time. She's driving me crazy everytime.

"H-Hindi kaya ako nag-b-blush! Ba't naman ako mag-b-blush? Assumero!" Giit niya na lalong nakapagpangiti sa 'kin. "Gawa lang no'ng aircon ng mall kaya namumula ako, 'no?"

Tumango-tango naman ako."Ahh, dahil sa aircon?"

"Oo!"

"Okay, sabi mo e."

Hindi pa rin nawawala ang ngisi sa labi ko. Siya naman ay sobrang sama ng tingin sa 'kin. Ang sarap talaga niyang asarin. Nakakatuwang titigan ang mukha niya kapag naiinis siya.

Nakuha naman ang atensyon ko ng isang black dress na may mga parang diamonds sa may leeg. Kinuha ko 'yon at itinapat kay Cherry. Lumawak ang pagkakangiti ko.

"This, this is the dress that I'm thinking about." Ibinigay ko 'yon sa kaniya. "Try it."

Tinignan muna niya 'yon pero hindi naman siya nagtanong. Papasok na sana siya ulit sa fitting room nang tawagin ko siya.

"Cherry."

Pagkalingon niya sa 'kin ay ibinigay ko rin sa kaniya 'yong paper bag na may sapatos sa loob na binili rin namin kanina. Nagtataka naman niyang kinuha 'yon.

"Why? Ano'ng gagawin ko rito?" Tanong niya.

"Isuot mo rin 'yan along with that dress." Utos ko.

"Oh-kay."

Pumasok na ulit siya sa fitting room. Naghintay naman ako ro'n sa labas habang nagbibihis pa siya. Nagtingin-tingin muna ako ro'n ng mga damit na alam kong babagay rin sa kaniya. Ang alam ko ay malapit na ang birthday niya kaya dapat may regalo ako sa kaniya. Hindi ko nga lang alam ang ibibigay ko sa kaniya. Nalaman ko lang ang birthday niya kay Ellie no'ng itanong ko 'yon sa kaniya. Ilang araw ko nang pinag-iisipan kung ano'ng magandang regalo kay Cherry pero wala talaga akong maisip.

Napatigil ako sa pagtingin do'n sa mga damit do'n nang may maalala ako na kinahihiligan niya. Napapansin ko na sobrang hilig niyang magbasa ng mga libro sa free time niya. But I don't know what kind of books does she want. Itatanong ko na lang siguro kila Niña at Ellie ang tungkol do'n.

Rulings Of Love (EDITING)Where stories live. Discover now