Chapter 37: Besty

300 5 0
                                    

Ellie's POV

"HOY!"

Muntik ko nang maitapon ang cellphone ko nang gulatin ako ni Ryan mula sa likuran ko. Naitago ko naman agad ang cellphone ko at galit siyang tinignan.

"Ryan, ano ba?! Muntik ko nang maitapon 'yong phone ko!" Sigaw ko sa kaniya.

Tinabihan naman niya 'ko sa upuan ko rito sa classroom namin. Recess kasi namin ngayon at kasalukuyang nasa canteen 'yong iba naming mga kaklase.

"Tutok na tutok ka sa phone mo these days ah." Ngumisi siya sa 'kin. "Sino ba 'yan? Ilang araw ka nang ngumingiti habang nakatutok ka riyan e. May ka-chat ka, 'no? Sino?"

I avoided his gaze because I'm guilty. "N-No kaya! Ba't ko naman i-ch-chat 'yong epal na 'yon? 'Yong Vance na 'yon? Eww!"

I'm trying my best na iwasan ang mga tingin niya sa 'kin kasi baka mahalata niya sa mukha ko na nagsi-sinungaling ako. Yes, after what happened at EK, naging okay na kami ni Vance. Okay naman pala siya e. Hindi naman pala siya jerk kagaya ng pagkaka-kilala ko sa kaniya. Mas nakilala ko siya after ng trip namin sa EK last sem-break. He's actually nice naman pala. Ilang araw na nga kaming magka-chat e. And I must admit, he's the one that's making me smile and laugh these days.

"Hindi naman ako nag-drop ng name, El." Naibalik ko ang tingin ko sa kaniya nang sabihin niya 'yon. Pinasingkit naman niya ang mga mata niya. "So...si Vance ang nagpapangiti sa 'yo? Akala ko ba magkaaway kayo? Bati na kayo ngayon? What? Enemies to lovers troupe?"

Enemies to lovers?!

I cleared my throat and avoided his gaze again. "Nagugutom ka ba, Rye? Ako kasi nagugutom e. Bibili muna ako sa canteen, ha? Puntahan ko na rin si Besty."

"Iniiba mo 'yong usapan, El, e."

Tumayo na 'ko at nagmamadaling lumabas ng classroom. Si Ryan kasi ang daming tanong e. Ayoko ngang sabihin sa kaniya. Mamaya sabihin pa niya kay Besty, lagot ako ro'n. I know this feels so wrong 'cause she's my best friend's crush, pero malay ko bang mapapalapit ang loob ko kay Vance. Pinanindigan ng lalaking 'yon ang pagiging epal niya kasi pati sa buhay ko ay umepal na lang siyang bigla nang walang pasabi.

Sa pagmamadali ko sa paglabas ng room ay nabangga ako sa kung sino man.

"Sorry!"

"Hilig mo talagang bungguin ako, 'no, Alien?"

Napatunghay agad ako nang marinig ko ang boses niya. I don't know when but I suddenly realized that he's freaking handsome. Ngayon ko lang 'to napansin. I was so blinded by my anger for him, I didn't know na sobrang gwapo pala ni Vance.

Okay, Ellie, calm down. That was your enemy few days ago, and now you're simping for him?! I think you need to see a specialist, Elliezabeth Ann.

Noon ko lang din napansin na nakahawak siya sa isa kong braso at inches away lang ang mga mukha namin sa isa't-isa. Kaagad naman akong lumayo sa kaniya at saka napatikhim at napaiwas ng tingin sa kaniya. Gano'n din naman ang ginawa niya. This is so awkward.

"U-Uhm...w-what are you doing here?" I asked, to avoid the awkwardness.

"I-I was actually looking for you sa canteen, but you weren't there." Tugon niya saka iniabot sa 'kin 'yong hawak niyang bottle of water at isang biscuit. "I know you don't usually have your recess, but it's not healthy to skip meals, s-so...here."

"H-Huh?"

He sighed. "Just accept it."

Biglaan niyang ibinigay sa 'kin 'yong binili niyang food at water for me. Hindi ako ready sa ginawa niya kaya napaatras ako, pero nahawakan naman niya agad ang braso ko.

Rulings Of Love (EDITING)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن