Chapter 57: Something Beautiful

810 5 0
                                    

Cav's POV

1 month after...

Isang buwan na ang nakalipas simula nang mamatay si Vernon. Isang buwan na rin ang nakalipas simula nang makausap at makaharap muli ni Dani ang pumatay kay Vernon. And after that day, malaki ang ipinagbago ni Dani.

Hindi siya nakain masyado simula nang mamatay si Vernon ayon kila Tita at Tito. Malaki ang ipinayat niya. Well, hindi naman talaga siya mataba noon, pero kumpara sa dati niyang katawan ay mas payat siya ngayon na parang kaunti na lang ay bibigay na ang katawan niya.

Nalaman ko rin kila Tita na kinausap daw sila ng professors ni Dani about sa performance niya sa school niya. They all said na malaki raw ang ibinaba ng grades ni Dani this sem at kung hindi niya magagawang mapataas 'yon ay baka umulit siya at ma-delay ang pag-graduate niya next school year, or worse, hindi siya maka-graduate.

Alam ko kung gaano kahalaga kay Dani ang pag-aaral niya at ang pangarap niyang maging isang direktor, kaya hindi ako makapaniwalang nangyayari 'to. Kahit na ano pa mang pinagdaanan niya sa buhay, she won't let that affect her studies kasi desidido talaga siyang makatapos at matupad ang pangarap niya.

Mukhang sobrang laki talaga ng impact sa kaniya ng pagkamatay ni Vernon. Who wouldn't be, anyway? It was so sudden, and sobrang traumatizing pa.

Speaking of trauma, hanggang ngayon ay takot pa rin siyang kumain sa labas lalo na ro'n sa restaurant kung saan nangyari ang lahat. Kahit nga ang pag-inom lang ng simpleng tubig ay kinakatakutan niya e, lalo pa kung wine 'yon.

I can't imagine how traumatizing that was for her na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya magawang maka-move on. If only I could do anything for her as her cousin.

"Mr. Valdez."

Napaigtad ako nang bigla akong tawagin ng professor ko sa class history ko.

"Y-Yes, sir?"

Napabuga siya ng hangin saka napailing. "I understand that you're having a crisis in your family right now with what happened in the past month do'n sa isang student ng kabilang university, but you keep on not listening to my class, major subject pa naman ito. Kung hindi mo pa kayang mag-focus sa klase ko, better yet, kumuha ka na muna ng excuse letter sa department natin, papirmahan mo sa dean at dalhin mo sa 'kin para mapirmahan ko rin. Um-absent ka na muna kasi ayokong may mga estudyante akong distracted habang nagtuturo ako rito sa unahan."

"I-I'm sorry, sir. Makikinig na po ako."

Umiling-iling na lang siya saka nagpatuloy na sa pagtuturo niya.

Sinubukan ko na lang makinig ulit kahit pa hindi pa rin maalis sa isip ko ang pinsan kong si Dani. Para ko na rin kasing nakaba-batang kapatid 'yong dalawa ni Ellie e.

Sa sobrang affected ko sa sitwasyon, hindi ko na magawang maging ako. Hindi na 'ko makapag-joke kagaya ng dati at makangisi. Bukod sa wala rin naman akong gana simula nang mangyari 'yon, ayoko rin namang isipin nila na ang insensitive ko at nagagawa ko pang magbiro at tumawa sa mga ganitong sitwasyon. Kaya ang lahat din ng mga tao rito sa school, na nakakakilala sa 'kin, ay nagtataka na.

Napabuga ako ng hangin habang pinipilit ang sarili kong makinig sa klase.

I just wish na matapos na ang lahat ng ito at may mangyaring maganda na.

--

Niña's POV

Isang buwan na rin ang nakalipas, but I still don't know kung paano ko mapapagaan ang loob ng dalawa sa mga taong pinaka importante sa 'kin na mas naapektuhan sa nangyari bukod sa pamilya ni Vernon.

Rulings Of Love (EDITING)Where stories live. Discover now