Chapter 25: Epal And Alien

352 7 0
                                    

Ellie's POV

Buong byahe akong badtrip. Pa'no ba namang hindi? E kasama pala 'tong Epal na 'to. Excited na excited pa naman ako, nawala lang dahil may epal. Si Ate Dani kasi hindi sinabing kasama pala 'tong lalaking 'to e. Edi sana hindi na lang ako sumama.

"Andami pa kasing arte kanina e. Naipit tuloy tayo sa traffic." Rinig kong bulong no'ng epal sa unahan ko.

Mahigit one hour na kaming nakatirik sa kalsada. Kahit one inch man lang ay hindi kami gumagalaw.

Uminit naman lalo ang ulo ko nang magparinig siya. Alam ko naman na ako ang sinasabihan nitong Epal na 'to e. At dahil nasa unahan ko lang siya ay sinipa ko 'yong inuupuan niya kaya galit siyang lumingon sa 'kin.

"What's your problem, huh, Alien?!"

Pinagtaasan ko naman siya ng isang kilay. "Problema ko?! Ikaw! Ikaw lang naman ang problema ko e!"

"Ah, gano'n ah."

Susugurin sana ako ni Vance at nakahanda naman ako ro'n pero bigla siyang pinigilan ni Kuya Vernon na mukhang kanina pa inis.

"Van, ano ba?! Tigilan mo na nga 'yan! Babae papatulan mo?" Sermon sa kaniya ni Kuya Vernon.

Dinilaan ko siya dahil sa pagtatanggol sa 'kin ng sarili niyang kapatid. Dasurv niya 'yan kasi epal siya.

"E hindi naman babae 'yan, Kuya, e!" Dinuro niya 'ko kaya mas lalong nag-init ang ulo ko. "That's an alien!"

"An alien?! I'm not an alien, okay?!" I angrily shouted at him. "'Yong language na ginagamit ko minsan ay Korean language. Palibhasa hindi ka marunong no'n e! Epal ka kasi!"

"Tss! Alien ka pa rin!"

"Epal!"

"Alien!"

"Will you both shut up?!"

Natahimik kami pareho nang sumigaw na si Kuya Vernon. Natigil ang pag-aaway namin dahil mukhang mainit na talaga ang ulo niya. And I think I already know why.

Napansin kong kanina pa niyang tinititigan si Ate Dani na nakasandal sa bintana at natutulog habang may nakapasak na earphones sa tainga niya.

He is really serious about my Ate Dani. I already knew na fake lang ang meron sa kanila the day they told me na they are together. Masyado kasi silang obvious e. But, I saw in Kuya Vernon's eyes that day that deep down, he has feelings for my sister, turns out I was right. Kaya nga sinabi ko sa kaniyang mangako siya na hindi niya sasaktan at iiwan ang Ate ko e, kasi alam kong may feelings siya sa kapatid ko.

I just wish that my sister could move on that fast para naman kay Kuya Vernon na niya ibaling ang pagmamahal niya. For sure naman na hindi siya sasaktan nito e, I can feel it. Alam ko naman na tutuparin ni Kuya Vernon ang pangako niya sa 'kin. I trust him. Magiging masaya ako kapag sila ng Ate ko ang magkatuluyan.

After 10 decades of waiting and sitting here in the van, nakarating din kaming EK.

"We're here!" Masayang bulalas ni Kuya Hanz.

Lahat kami ay napalingon at ang mga tulog ay nagising. Ako naman ay sobrang na-excite. Bata pa kasi noon no'ng magpunta kami rito ng family e, so I'm really excited about this trip. Na-miss ko ang EK.

EK, here we come!

Bumaba na silang lahat mapwera sa dalawang tao. Napansin kong ginigising pa ni Kuya Cav si Ate Dani. Hindi pala siya nagising kanina. Ang mantika talaga matulog nito. Sabagay, naka-earphones nga pala siya kaya siguro hindi siya nagising nang sumigaw kanina si Kuya Hanz na nandito na kami.

Rulings Of Love (EDITING)Where stories live. Discover now