Chapter 55: Facing Fear

941 4 0
                                    

(Trigger Warning: Some lines/scenes here might trigger your mental health and trauma. Read at your own risk.)

--

Dani's POV

Bumaba ako sa taxi na sinasakyan ko nang makarating na 'ko sa lugar kung saan hindi ko akalaing mapupuntahan ko na mag-isa. Ang lugar kung saan una niya 'kong dinala. The dating spot I wanted to experience with the love of my life. Kung saan ang lahat ng takot ko sa matataas na lugar ay nawala magmula nang gabing 'yon. No'ng gabing hinawakan niya ang kamay ko at nangakong hindi 'yon bibitawan.

Gabi na nang makarating ako rito kaya kitang-kita ang mga ilaw na galing sa ibaba. Rinig na rinig pa rin ang ingay ng city mula rito sa taas. May kalakasan din ang hangin na lalong nakapagpaganda sa pagpunta ko rito.

Kung pwede nga lang magpatangay na lang sa hangin. Kung pwede nga lang na tangayin na lang ng hangin ang lahat ng nasa loob ko. I just want to disappear for awhile. I just want to go to a place where no one knows me, where no one knows my name. Gusto ko na lang maglaho bigla and leave everything behind.

Lalo pang lumakas ang hangin at halos madala na 'ko nito. Pakiramdam ko, nandito siya ngayon sa tabi ko. It's like he's telling me not to do anything stupid.

"Are you mad?" Para akong baliw na kinakausap ang hangin. "Kasalanan mo naman 'to e. It's all your fault. Nangako ka, 'di ba? Nangako kang hindi mo 'ko iiwan at sasaktan. You promised that to my sister. Ang sabi mo tutuparin mo 'yon, but where are you now? You're gone and you're hurting me."

Wala pa ring luha ang tumutulo sa mga mata ko, puro galit lang. I know I shouldn't be blaming him for this. I know it's stupid to blame him for dying. I know, I'm stupid.

"Ang sabi mo pa sa 'kin, hindi mo bibitawan ang kamay ko sa tuwing nasa mataas na lugar ako para mawala ang takot ko. Ang sabi mo sa 'kin, whenever I am feeling anxious, I should just hold your hand tightly instead of biting my nails."

Kumuyom ang mga kamao ko. It's like something is building up inside me. Anger? Frustration? Desperation? Guilt? Sadness? Grief? I don't know. I don't know anymore. Halo-halo na lahat.

"You also promised me that you'll take me to the moon, pero bakit nauna ka na riyan? I told you, hindi ka dapat nangangako kapag hindi mo kayang tuparin dahil ayokong umasa sa wala at masaktan, but you promised to fulfill all your promises to me and my sister. You liar."

Kumuyom ang mga kamay ko sa sobrang galit na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit sa kaniya ko na ibinaling ang galit ko. Maybe, naghahanap lang ako ng pwede kong sisihin. I know it's stupid to blame Vernon because he, too, doesn't want all of these to happen. But, heck, why does he have to die like that and left me hanging and hurting like this? After what he promised me, maiiwan lang din pala ako sa huli. Masasaktan at magiging miserable lang din pala 'ko sa huli.

"I'm sorry."

Napalingon ako sa tabihan ko nang marinig ko ang pamilyar na boses na 'yon. Hindi ako nagkamali, it's him. He's standing beside me, facing me. His eyes tells me that he's also hurting. His eyes are telling me that he doesn't want me to be left behind. Na hindi niya gustong iwan at saktan ako. That he wants to stay by my side but he can't.

I know it's just an illusion of mine. I don't like that. I don't like this. Ayoko na ilusyon lang siya. Gusto ko siya mismo. I want the real him.

"You're just an illusion. Ano ba'ng magagawa mo?" Umiwas ako ng tingin at muling ibinalik ang tingin sa view. "I don't need your sorry. I need you. Magagawa mo ba 'yon?!" Sigaw ko.

Nang lumingon muli ako sa tabihan ko ay wala na siya. Mag-isa na ulit ako. Naiwan na naman ako. At mas nasaktan na naman ako.

Napasinghap ako nang sunud-sunod na tumulo ang mga luha ko. I'm crying. I'm crying again. Akala ko hindi na 'ko iiyak ulit. Akala ko pagod na 'kong umiyak. Akala ko naubos na ang mga luha ko kakaiyak ko. Akala ko hindi na 'ko nasasaktan. Akala ko lang pala lahat 'yon. I was just good at hiding my own feelings that I can even hide it from myself.

Rulings Of Love (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon