Chapter 36: Efforts

343 8 0
                                    

Dani's POV

"ATE! GUMISING KA RIYAN!"

Itinaklob ko 'yong unan ko sa tainga ko dahil sa lakas ng sigaw na 'yon ni Ellie. She's so loud. Ang lalim na ng gabi, sumisigaw pa rin siya.

"Elliezabeth Ann! Alam mo ba kung anong oras na?! Patulugin mo naman ako! May pasok pa 'ko bukas!" Sigaw ko sa kaniya mula rito sa loob ng kwarto ko.

Kumatok siya nang napakalakas sa pintuan ko kaya napabuga ako ng hangin. Hindi ko alam kung ano ba ang kailangan niya sa 'kin ng ganitong oras. This is suppose to be my beauty sleep.

"Ate, you really need to wake up right now!" Sigaw niyang muli kasabay ng mga malalakas niyang katok sa pinto ko. "Si Kuya Vernon nasa labas ng bahay natin, nangha-harana!"

Napabalikwas ako sa kama ko nang marinig ko 'yong sinabi niya. "Ano'ng sabi mo?!"

"Si Kuya Vernon nangha-harana! Bilisan mo na riyan, Ate, labasin mo na siya!"

Dali-dali naman akong bumaba ng kama ko. Ni hindi ko na nga naayos ang sarili ko dahil sa pagmamadali ko e. Nag-jacket na lang ako kasi naka-pantulog lang ako. Ano ba kasing iniisip niya at mangha-harana siya at ganitong oras pa talaga? Nababaliw na ba siya?

"'Yong manlilgaw mo, pinapahanga ako ah." Nakangiting sabi ni Dad nang mapadaan ako sa kaniya.

Kagaya ko ay lumabas na rin sila nila Mama para tignan si Vernon. Lumabas kami ng gate at nando'n si Vernon na may hawak na gitara. Kasama niya sila Hanz at Vance na nasa isang tabi lang naman. Nang magtama ang mga mata namin ni Vernon ay binigyan niya 'ko ng isang matamis na ngiti.

"Hi, Cherry." Malambing na bati niya sa 'kin saka yumuko ng kaunti at ngumiti kila Dad. "Good evening po. I'm sorry po sa abala. Gusto ko lang po talagang gawin 'to ngayong gabi. Sana po okay lang sa inyo."

Nagtinginan naman sila Mama at Dad bago tumingin ulit sa kaniya na may mga ngiti sa mga labi nila.

"Sige lang, hijo. Walang kaso sa 'min." Sabi ni Mama.

"It's fine. Go on." Sabi naman ni Dad na may maliit na ngiti sa labi niya.

Wow! Boto yarn?

"Go, Kuya Vernon!" Masayang sigaw naman ni Ellie na kay Vance naman nakatutok ang mga mata.

"Salamat po." Malawak ang ngiti ni Vernon nang bumaling ulit siya sa 'kin. "Alam kong naabala ko ang tulog mo, I'm sorry. Gusto ko lang na mapangiti ka ngayong gabi bago ka tuluyang matulog."

Kahit na naguguluhan ako sa nangyayari ay napangiti rin naman ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano'ng pumasok sa isipan niya para gawin 'to o kung saan niya 'to natutunan, but I'm so fluttered.

Nagsimula siyang mag-strum do'n sa gitarang hawak niya. I didn't know that he can play a guitar.

[Now playing: Sigurado by TJ Monterde]

"Sa tuwing tinatanong puso ko
Sa'n ba ang hantong
Laging ikaw ang tinuturo
At sa aking paghagilap
Ng aking mga pangarap
Laging sa 'yo pumapatungo"

Tinignan niya 'ko diretso sa mga mata ko nang magsimula siyang kumanta. His voice is so soothing. He can sing so well. I didn't know he can sing. This is the first time I heard him sing. Matagal na ba siyang kumakanta?

Pag-ibig ko

Ikaw ang aking payapa
Ang aking hilom
Dinalanging payapa
Sagot sa 'king tanong
Ikaw'ng kalmado kong hangin
Ilaw ko sa dilim
Sa mundo kong puro pero
Ikaw ang aking sigurado

Rulings Of Love (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon