Chapter 26: Unggoy And Tomboy

351 5 0
                                    

Hanna's POV

Medyo awkward kami ngayon ni Ryan dahil siguro sa nangyari last Saturday sa court.

Ewan ko ba. Para kasing naiilang din ako sa kaniya kasi parang galit siya sa 'kin e. Kapag tinatanong ko naman siya, ang sasabihin niya lang sa 'kin ay hindi, kahit halata ko naman na oo.

Nag-uusap naman kami pero hindi gaya ng dati na may kasamang asaran. Ngayon kasi parang bago lang kaming magkakilala.

Naglalakad kami na may kaunting distance sa 'ming dalawa. Dati rati naman ay palagi siyang nakaakbay sa 'kin. Nakakapanibago tuloy. Na-m-miss ko na rin 'yong dati naming ginagawa. 'Yong pang-aasar niya sa 'kin.

Napabuga ako ng hangin habang naglalakad kaming dalawa ni Ryan dito sa loob ng EK. Kanina pa kami naglalakad pero tinatamad pa 'kong sumakay sa mga rides. Hindi kasi kami okay nitong si Unggoy e.

Napatingin naman ako sa kabilang direksyon, na sana ay hindi ko na lang ginawa para hindi ko 'yon nakita.

I saw Ellie and Vance hugging each other.

Hindi ko namalayan na umaagos na pala ang mga luha ko habang nakatitig ako sa kanilang dalawa.

Bahagya akong nagulat kasi bigla na lang akong hinigit ni Ryan at niyakap nang sobrang higpit. Napayakap na lang din ako sa kaniya. Humagulgol ako sa kaniya. Wala akong pakialm kung pagtinginan pa 'ko ng mga tao. I just want to cry right now. Ang sakit e.

Ang sakit makita na 'yong taong gusto mo at 'yong kaibigan mo ay magka-yakap. I know it sounds lame, but it hurts. Masakit para sa 'kin 'yon. 'Yong pakiramdam na sana ako 'yon at hindi siya.

I just can't control my feelings for him. And I think, this is not just a simple crush anymore. This is more than that.

Una ko pa lang siyang makita no'n, nagkagusto na agad ako sa kaniya. He's the first guy I ever liked, and probably my first heartache also.

"Sige lang, umiyak ka lang." Sambit ni Ryan. "Ilabas mo lang lahat 'yan. Pangako, hindi kita iiwan. Dito lang ako sa tabi mo. Yakapin mo lang ako hanggang sa gusto mo. I can be your tissue paper to wipe your tears."

Buti na lang nandito 'tong best friend ko. Kung hindi, baka nagtatakbo na lang ako sa isang sulok at nagtago tapos umiyak nang umiyak.

Kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya nang sa tingin ko ay mailabas ko na lahat. Pinunasan ko ang mga luha ko tapos tumingin ulit ako sa direksyon kung sa'n ko sila nakita. Nakita kong nakangiti sila sa isa't-isa.

Mas lalo akong nasaktan. 'Yong ngiti ni Vance kay Ellie, 'yon 'yong ngiti na gusto kong makita sa kaniya, at gusto kong ako ang dahilan no'n. Gusto ko na sa 'kin niya gawin 'yon. Pero bakit kay Ellie nagawa niya 'yon? Ang tagal kong hinintay 'yon pero para pala 'yong ngiting 'yon sa iba.

Ang sakit, Vance. Sobrang sakit.

"Kung nasasaktan ka na, bakit mo pa tinitignan? Sinasaktan mo lang lalo ang sarili mo, Hanna." He said.

"Gusto ko siya, Ryan." Humarap ako sa kaniya na umiiyak na naman. "Gustung-gusto ko siya."

Parang bigla siyang na-disappoint sa sinabi ko. "Gusto mo nga siya pero gusto ka ba niya?"

Hindi ako nakaimik sa sinabi niya.

Tama siya. He doesn't like me. At hinding-hindi niya 'ko magugustuhan, kasi after all those years na ginusto ko siya, ni hindi man lang niya 'ko napapansin. Kaya alam ko na sa sarili kong hindi niya 'ko magugustuhan kahit kailan, naging indenial lang talaga 'ko.

"Bakit gano'n, Rye?" Humihikbing tanong ko. "Bakit pa 'ko pinana ni Kupido sa ibang tao kung 'di rin naman pala niya 'yon papanain? Gusto niya ba 'kong masaktan? Galit ba sa 'kin si Kupido kaya niya sa 'kin 'to ginawa? May kasalanan ba 'ko sa kaniya?"

Rulings Of Love (EDITING)Where stories live. Discover now