Chapter 46: Worth The Wait

340 5 0
                                    

Ellie's POV

I smiled widely habang gumugulong-gulong sa kama ko. Ka-chat ko ngayong gabi si Vance and I can't stop smiling ang giggling whenever I'm talking to him.

After nang nangyari noon sa EK ay naging maayos na ang relationship naming dalawa ni Vance. He was the one who asked for my number that day also. He's nice naman pala, siguro masyado lang talaga akong naging OA at masyado lang akong nag-focus sa inis na nararamdaman ko sa kaniya kaya hindi ko napansin na okay naman pala siya. Yes, he's very masungit, pero hindi na siya nagsu-sungit ngayon sa 'kin. Hindi rin naman ako nagsu-sungit sa kaniya. Palagi na nga akong nakangiti kapag kausap o kasama ko siya e.

Yup, this is really weird, kasi bigla na lang kaming naging okay. Alam ng lahat kung gaano namin ka-hate ang isa't-isa. Like, hindi mo kami pwedeng pagsamahin sa iisang room nang kaming dalawa lang, hindi kami tatagal nang hindi nagkakaroon ng gulo. Gano'n namin kaayaw ang isa't-isa noon. I don't know why also, but I just hated him. Maybe, hate at first sight? Pero ngayon ay bigla na lang kaming nagkaayos at ngayon ay nanliligaw na siya sa 'kin. Sino'ng mag-aakala na magkaka-gustuhan kami sa huli? Totoo nga siguro ang the more you hate, the more you love. But I only like him, hindi ko pa siya mahal. Hindi ko pa rin naman sinasabing gusto ko siya nang direkta e. We just had a mutual understanding noong palagi na kaming nagkaka-text at chat after our trip to EK noong sem-break. Nag-start lang siyang official na manligaw sa 'kin nang magpaalam siya sa parents ko noong birthday ni Ate. I wasn't expecting that kasi hindi naman niya sinabing sa gabing 'yon din siya magpa-paalam kila Dad at Mom e.

Actually, nandito lang siya kanina pero magka-chat pa rin kami ngayon na parang hindi kami nagkita.  Like what Kuya Vernon did to Ate Dani when he was still courting my sister, palagi ring nagpu-punta si Vance rito sa bahay para ligawan ako, and my parents also. It was Vance's decision to court me here at our house. Hindi ko alam na pina-practice pala ng Fontanilla Brothers ang old school courting. It's kinda sweet, actually. Si Mom nga ay humanga sa mag-kapatid e, even Dad, kahit hindi niya aminin kasi halata naman sa mukha niya 'yon. But Dad told me na pwede lang akong mag-boyfriend kapag 18 na 'ko, and isang taon na lang naman bago 'yon mangyari. I told Vance about that but he never said na maghi-hintay siya kahit gaano katagal. He just said that it's fine, which made me a little disappointed. I was expecting that he'll tell me that he's willing to wait. Anyway, I'm not that immature to get angry at him just because of that kaya hinayaan ko na lang.

From: Epal

Do you wanna video call? I wanna see your face before I go to sleep.

"Omo!"

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang mabasa ko ang chat niyang 'yon. Napahawak din ako sa mukha ko kasi may nakalagay pa 'kong face mask. I was doing my skin care kasi kanina after ko mag-shower nang mag-chat siya e.

Dali-dali akong bumaba ng kama ko saka nagtatakbo sa banyo ko saka tinanggal 'yong face mask sa mukha ko. Inayos ko rin ang mukha ko pati ang buhok ko bago bumalik sa kama ko at sumandal sa headboard no'n at nag-type ng reply.

To: Epal

Ok

Nag-seen agad siya at maya-maya lang ay tumatawag na siya. Inayos ko muna ulit ang sarili ko bago ko 'yon sinagot. Nag-ngitian kaming dalawa nang makita ulit namin ang isa't-isa.

Nakahiga siya sa kama niya. Nakatagilid lang siya at mukhang inaantok na dahil papikit-pikit na siya. He's so handsome kapag pupungay-pungay ang mga mata niya.

["I'll have a good night sleep now."] He said in a low voice

Pakiramdam ko ay nag-blush ako sa sinabi niya.

"Kasi nakita mo na 'ko?" Tumango siya sa tanong ko kaya mas lalo akong napangiti. "Nandito ka lang kanina, 'di ba? Kakakita pa lang natin kanina. Why? You already miss me?"

Rulings Of Love (EDITING)Where stories live. Discover now