Chapter 24: Trip To EK

357 5 0
                                    

Dani's POV

"Ate Dani, bilisan mo! Baka dumating na sila!" Malakas na sigaw sa 'kin ni Ellie mula sa labas ng kwarto ko.

She's too excited. Sobrang aga pa nga e. If I know, paniguradong naliligo pa lang 'yong mga 'yon. O baka nga tulog pa rin sila e.

"Wait lang, okay?!" Sigaw ko pabalik sa kaniya. "Mauna ka nang lumabas ng bahay. Nagbibihis pa 'ko e!"

Narinig ko naman na umalis na siya sa harapan ng kwarto ko kaya nagkaroon na 'ko ng peaceful na pagbibihis.

Nag-white na sando ako tapos nilagyan ko ng long sleeve na chekered shirt na kulay pula, and then I wore shorts. Tapos isinuot ko na 'yong vans ko na kulay black and gray. Ito kasi ang una kong nahugot sa cabinet ko e, kaya ito na lang ang isinuot ko.

After no'n ay kinuha ko na 'yong kulay pink kong jansport. Well, that's my favorite color. Nakalagay na ro'n ang mga kikay kits ko saka syempre foods, pero kaunti lang kasi alam ko namang marami ring dala 'yong mga 'yon kaya hihingi na lang ako sa kanila. Saka marami nang dala si Ellie kaya 'di na 'ko nagdala nang marami.

Nang makapag-ayos ng sarili ay lumabas na 'ko ng kwarto ko at nagpaalam kina Mama at Dad. Paglabas ko ng bahay ay nakita ko si Ellie na inis na nakatingin sa relo niya.

Napaikot ko naman ang mga mata ko. "Excited kasi masyado e. 9:30 pa lang kaya, 10am ang usapan na susunduin nila tayo rito. Natural na 30 minutes pa bago sila makarating dito."

Hindi niya 'ko pinansin. Napa-iling na lamang ako. 17 years old na pero kung umakto, 'kala mo 7 years old pa e.

Sakto naman na after 30 minutes na paghi-hintay namin sa labas ng bahay ay dumating na sila.

"Finally! Akala ko hindi na sila dadating sa tagal e." Masayang usal ni Ellie.

"Excited kasi e." Bulong ko naman.

Mukhang hindi naman niya narinig ang sinabi ko dahil hindi siya nag-react.

Bumaba silang lahat, except kila Hanna at Ryan, at ang FB A.K.A Fontanilla Brothers.

"O, nasa'n ang pinsan mo?" Tanong ni Hanz na mukhang may hinahanap.

"I'm here!"

Napakunot ang noo ko kasi bigla na lang siyang sumulpot. Feeling ko kabute talaga 'to e.

Bigla akong inakbayan ni Cav nang makalapit siya sa 'min. Sakto rin kasi biglang bumaba si Ver sa sasakyan.

"Hindi pa ba tayo—"

Napatigil siya ng pagsasalita nang makita niyang nakaakbay sa 'kin si Cav. Umiwas din siya agad ng tingin sa 'min.

Don't tell me he's jealous? Hindi ko ba nasabi sa kaniyang pinsan ko 'tong si Cav?

"Oops! Sorry." Sabi ni Cav.

Tinanggal agad ni Cav ang pagkaka-akbay niya sa 'kin saka ngumisi.

"Alis na tayo, Hanz. Baka abutin na tayo ng traffic." Cold na sabi ni Ver tapos ay bumalik na siya sa loob ng van.

"Hayaan mo na lang, Dani. He's just jealous." Ani Hanz.

Napangiwi naman ako. "Selos? E pinsan ko si Cav e."

"E hindi naman kasi niya alam, Bessy, e." Sagot din agad ni Niña sa 'kin.

"Tara na nga!" Sigaw naman ni Ellie na mukhang naiirita na.

Nauna na siyang sumakay sa loob sa sobrang excitement niya. I'm sure that that excitement will fade away kapag nalaman niyang nasa loob din ng van si Vance at kasama namin siya papuntang EK.

Rulings Of Love (EDITING)Where stories live. Discover now