Chapter 18: Iwasan Mode

442 5 0
                                    

Dani's POV

Napansin kong after nang nangyari sa 'min ni Vernon sa condo niya ay parang iniiwasan na niya 'ko.

Naalala ko na naman tuloy ang nangyari no'n. 'Yong muntik na niya 'kong halikan.

Pero bakit ba niya 'ko hahalikan? Ano ba'ng naisip no'ng lalaking 'yon? Iisa lang yata 'yon sa 'kin e. What does he think of me? Kaunting kindat niya lang ay ibibigay ko na lahat?!

Pero ang bilis-bilis din ng tibok ng puso ko no'n. Isang beses ko lang naramdaman ang pakiramdam na 'yon, it was with Ken. Kay Ken ko lang na-feel ang pakiramdam na 'yon.

Pero imposible namang magkagusto ako sa player na 'yon, 'no?! No way! Puputi muna ang uwak bago mangyari 'yon!

"Ano ba 'yan?!" Napakamot ako sa ulo ko. "Why am I even thinking of him?!"

"Sino'ng iniisip mo?"

"Ay, kalabaw!"

Napatingin ako sa tabi ko. May lalaking blonde ang buhok ang umupo sa may tabihan ko sa ilalim nitong puno. Naka-shades siya kaya hindi ko siya mamukhaan. Tumingin siya sa 'kin at ngumiti.

"Si Ken na naman ba 'yan, Insan?" Tanong ng misteryosong lalaking 'to. Iisa lang ang alam kong tumatawag sa 'kin ng Insan, but he's not here. "I thought hiwalay na kayo no'ng ugok mong ex-boyfriend?"

His voice is familiar, even 'yong tawag niya sa 'kin. But this can't be that guy. Wala siya rito sa Pilipinas, and he's not blonde. Saka, this guy's style is very different from someone I know.

I raised an eyebrow at him. "Excuse me? Do I know you?"

He chuckled. "Hindi mo na agad ako nakilala? Grabe ka, Insan! Nagpunta lang akong London, nakalimutan mo na agad ang pinaka-gwapo mong pinsan. Nakakatampo ah." Bigla niyang tinanggal 'yong shades niya at nginisian ako. "Well, that's expected naman since mas gwapo na 'ko ngayon kaysa no'ng huli nating kita."

Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ko na kung sino siya. It's really him!

"OMG! CAVEY?! INSAN!"

Niyakap ko siya ng sobrang higpit. I missed this guy so much. Malaki na nga ang ipinagbago niya kasi hindi ko siya agad nakilala.

"Aray! Hahahaha! Hindi naman halatang na-miss mo ko ah." Tatawa-tawang sabi niya.

Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kaniya. "Sorry, na-miss lang talaga kita, Cavey. Kailan ka pa dumating, ha?"

"Kanina lang."

"Kanina lang?" He gave me a single nod. "E bakit 'di mo man lang sinabi na darating ka na pala? Edi sana sinundo kita sa airport."

"I don't want to spoil the surprise." Aniya. "Gusto ko kayong sorpresahin ni Ellie e, so I didn't tell you about it. Mawawalan ng saysay ang surprise kung sinabi ko."

Napatingin naman ako sa buhok niyang blonde. "I see you dyed your hair. Kaya hindi rin kita agad nakilala e."

"Bagay ba?"

"Oo, mukha kang mais, Insan." Biro ko saka siya tinawanan.

Actually, it suits him. Mas bagay sa kaniya ang blonde kaysa 'yong itim niyang buhok noon.

Napasimangot naman siya. "Ang sama mo, Insan! Pero okay lang kasi alam ko namang gwapo pa rin ako at macho."

Itinaas pa niya 'yong braso niya at ipinakita 'yong muscles niya sa 'kin.

Napaikot ko ang mga mata ko. "And here I thought you already changed from your physical appearance to your attitude, but you're still the same Cav I knew back then. Mayabang ka pa rin."

Rulings Of Love (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon