Chapter 30: Slowly Moving On

395 6 0
                                    

Dani's POV

After one week na sem-break, may pasok na ulit kami. Para ngang kulang ang sem-break namin e.

But it's okay, feeling ko nga excited akong pumasok ngayon. I don't know why, but I just feel inspired right now. Actually, I'm feeling this for the past days already, and it's making me happy.

Hinatid kami ni Dad papuntang school dahil day-off naman daw niya sa work today. Ganito siya kapag day-off niya, hinahatid pa niya kami sa school. Parang bonding at pagla-lambing na niya 'to sa 'min.

"We're here, my princesses."

Bago kami bumaba ng kotse ay humalik muna kami sa pisngi ni Dad.

"Bye, Dad." Paalam ko.

Katabi lang kasi ako ni Dad sa kotse kaya ako ang naunang magpaalam. Si Ellie naman ay nasa likuran ni Dad.

"Bye, Dad."

"Enjoy your day, my princesses."

"Yes, Dad!" Sagot ko.

"We will." Sagot naman ni Ellie.

Tuluyan na kaming bumaba ng kotse at pumasok na sa school.

"Ate, mauna na 'ko sa 'yo ah?" Paalam ni Ellie sa 'kin. "Pupunta pa 'ko sa library e. May hahanapin ako ro'ng libro for my assignment."

"Okay."

Umalis na siya agad saka kinuha ang cellphone niya at nag-type ro'n. Napapansin ko rin na mas madalas hawak ni Ellie ang cellphone niya ngayon. Minsan ay nahuhuli ko pa siyang nakangiti habang nakatutok sa cellphone niya. Kapag tinatanong ko naman siya tungkol do'n ay palagi niya lang sinasabi na natatawa lang siya sa mga memes sa facebook. Feeling ko may nililihim siya sa 'kin e. I need to know that.

Sa ngayon ay hindi ko muna 'yon iintindihin. Lumiko ako sa ibang direksyon para magpunta na sa classroom ng first class ko today.

Habang naglalakad ako sa hallway ay may bigla na lang lumapit sa 'king babae. In my observance sa appearance niya, mukhang grade 6 pa lang 'to. And she's so cute, huh?

"Ate, may nagpapabigay nga po pala nito sa inyo."

Iniabot niya sa 'kin ang isang red tulip na may nakalagay na sticky note sa may tangkay nito.

Kinuha ko 'to kahit na nagtataka ako. "Para sa 'kin?"

"Opo."

"Sino raw ang nagpapabigay nito?"

Nagkibit balikat lang siya at nagtatakbo na paalis.

Kinuha ko 'yong sticky note na nakalagay ro'n at binasa 'yong nakasulat do'n.

You're the apple to my pie. You're the straw to my berry.

Napatawa ako nang mabasa ko 'yon. I think I already know who gave me this.

Ito 'yong kantang Perfect Two e. Teka! It's my favorite song.

May bigla namang umakbay sa 'kin kaya napatingin ako sa kaniya. Ang gwapo niyang mukha agad ang nakita ko.

[For better reading, please play Mine by CHNDTR (Cheesy version)]

"Did you like it?" Tanong ni Vernon with a hopeful smile on his face.

I knew it. Sabi ko na nga ba at siya ang nagbigay nito e.

"Pa'no mo nalaman ang favorite song ko?" Tanong ko imbis na sagutin ang tanong niya sa 'kin.

He shrugged. "I just knew it."

I just knew it daw. Alam ko naman kung kanino niya 'yon nalaman.

"Bessy told you, right?" Pinasingkit ko pa ang mga mata ko.

Rulings Of Love (EDITING)Where stories live. Discover now