𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 𝟺𝟽 : 𝚅𝚎𝚛𝚜𝚒 𝚈𝚎𝚖𝚖𝚎 𝚁𝚎𝚜𝚘𝚛𝚝 𝙿𝚊𝚛𝚝 𝙸

19.9K 565 301
                                    


DISTURBANCE
CHAPTER FORTY SEVEN -
VERSI YEMME RESORT PART I

Eliryce

♪ One kiss is all it takes
Fallin' in love with me
Possibilities
I look like all you need..

"Arghh.. seriously? Why am I even here?" inis na sabi ng katabi kong kanina pa naglilikot dahil hindi makatulog sa ingay nina Riva at Chantal na kanina pa kanta ng kanta ng kung ano ano.

♪ One kiss is all it takes
Fallin' in love with me
Possibilities
I look like all you need..

"We both have our own cars. This is why I told you earlier that we should drive separate from them." reklamo pa nito sa akin at inirapan ako nito.

Aba? Pati ako dinadamay na?

"Just hold on for a bit longer, okay?"

Inirapan lang ako nito at mula sa pagkakasandal sa balikat ko ay inilipat nito yung ulo niya at sumandal sa bintana.

Kasalukuyan kaming nasa loob ng luxury van ni Kuya Theo. He's currently driving at sabay na sabay naman ito sa pagka-hyper nina Chantal at Riva kaya puro party songs yung mga pinapatugtog nito sa background.

Papunta na kami ngayon sa private resort nito kung saan inimbitahan niya kaming mag-outing man lang to unwind and to relax. Versi Yemme Resort yata yung pangalan ng resort na pupuntahan namin, for sure maganda dun kasi pangalan palang halatang pangmayaman na.

Actually, kumpleto kami ngayon at puno talaga yung van nito.

Sina Kuya Theo at Cross nasa driver's seat tapos kaming lahat naman nandito sa likuran. Bale, sa pinakaunahan na part sina Phoebe at Chad tapos sa unahan naman namin o sa gitna sina Chantal, Riva at Chloe tapos kami naman sa pinakalikod na part ng van. Malaki naman kasi yung van at halatang mamahalin dahil sa type of seats palang talagang mamamangha kana pati sa set-up.

"Ano ba yan, one week palang kayo LQ na agad?" biglang salita ni Chloe ng bumaling ito sa akin at nagtawanan naman sina Riva at Chantal na katabi nito.

"Shut your mouth, Miss Lawliet." sagot naman ng katabi ko.

"Why are you still calling us by our surnames? Come on, Shanaia. You can just call us by our first names. You're one of us no--"

"Did you just call me by my second name?!" inis na pinutol nito yung sinasabi naman ni Riva na nakisabat na rin, "El was the only person I allowed to call me that."

"Then we'll just call you Celeste." si Chantal naman.

Saglit na nag-isip yung katabi ko at maya maya lang ay umirap nalang ito sa tatlo at sumuko na.

"Fine. Just don't get on my face again and, for Pete's sake, let people sleep."

Nagtawanan naman yung tatlo rito at inis lang itong tumingin sa akin.

"What?" takang tanong ko rito.

"I still can't believe that you're now friends with those two."

Disturbance (EngLot)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora