𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 𝟸𝟺 : 𝚆𝚊𝚢 𝚃𝚘𝚘 𝙳𝚎𝚕𝚞𝚜𝚒𝚘𝚗𝚊𝚕

16.2K 623 155
                                    


DISTURBANCE
CHAPTER TWENTY FOUR - WAY TOO DELUSIONAL

Eliryce

Saturday na ngayon. Maaga palang ay nagising na ako para makapagready dahil 7am palang ay dapat nandun na ako sa bahay ni Miss Sullivans. Sobrang excited ko, mula Tuesday hanggang Friday sa school ay talagang itong araw lang na ito yung hinihintay ko.

Nung Tuesday naman, hindi natuloy yung individual reportings dahil mukhang nag-aral na yung iba at may mga nakasagot na kay Miss Sullivans.

Si Chloe ay sa hindi malaman na dahilan ay nabigyan ng one week suspencion. Wala kasi ito mula Tuesday hanggang Friday at narinig lang namin na nasuspend daw ito.

Nagtaka rin ako kung bakit at ayoko namang magconclude na baka si Miss Sullivans ang nagpataw ng suspension dito. Siya lang naman ang nakakaalam ng nangyari nung Monday.

Birthday din pala ni Cross bukas, ininvite niya kaming lahat nina Riva, Phoebe at Chantal. Nagulat nga kami kung saan ito nakatira, sobrang yaman pala nito. May mansion sila kung saan gaganapin yung birthday niya at marami rin daw important guests kaya naisipan namin na mag formal attire. Kahapon, nagpunta na naman kami sa store nila Chantal para makapili ng maayos na dress para suotin bukas sa birthday ni Cross.

"Okay.. I'm ready." tiningnan ko yung suot kong relo at sakto namang 6:30am na. Pwede na akong umalis para eksaktong 7am ay nandoon na ako.

Kahapon, nasabi ko na rin kay Riva na may lakad ako ngayon ng maaga. Nagtataka na nga ito kung sino yung palagi kong nakakasama bukod daw kay Miss Sullivans baka raw may boyfriend na pala ako, tinawanan ko lang siya pagkasabi niya nun at sinabi kong kakilala ko lang na babae kaya naintindihan niya naman agad.

Lumabas na ako ng apartment at naglakad lakad na para makapara ng taxi.

Maya maya lang ay may huminto naman na agad na taxi sa harapan ko kaya mabilis na akong sumakay dito.

After a few minutes ride, nakarating na agad kami sa gate ng subdivision nina Miss Sullivans at binati ko naman si Kuya Allen na Guard na agad naman na akong pinapasok.

Nang makarating sa harap ng bahay ni Miss Sullivans ay nagbayad lang ako sa taxi at bumaba na. Dali dali ko ng pinindot yung door bell at maya maya lang ay pinagbuksan na ako ni Yaya Mel ng gate at niyakap ko naman ito agad dahil namiss ko rin ito.

"Yaya Mel! Na miss ko po kayo!"

"Namiss din kita Iha. Oh sige na pumasok kana sa loob nakaready na yung dalawa."

Nauna na akong maglakad papasok sa loob at bumungad naman sa akin si Miss Sullivans na prenteng nakaupo sa sofa at kinukutinting yung phone nito. Saglit ko itong pinasadahan ng tingin, nakasuot ito ngayon ng denim jacket at black jeans, nakalugay lang ang buhok nito at nakasuot din ito ng black na cap. Ganda pa rin talaga kahit simpleng pormahan lang.

"Good morning po Miss Shanaia." bati ko rito at agad naman itong tumingin sa gawi ko.

"Oh, you're here already. Yohan!" tawag nito kay Yohan at bigla ko naman itong nakita na bumaba ng hagdanan na nagmamadali pa kaya nginitian ko ito.

"Whaaah Ate Sira!" niyakap agad ako nito ng mahigpit sa legs ko. Umupo ako para magkalevel kami nito.

"How are you?" tanong ko rito.

Disturbance (EngLot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon