𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 𝟷𝟾 : "𝙸𝚝'𝚜 𝙽𝚒𝚌𝚎 𝙷𝚊𝚟𝚒𝚗𝚐 𝙵𝚛𝚒𝚎𝚗𝚍𝚜"

15.3K 607 377
                                    


DISTURBANCE
CHAPTER EIGHTEEN - "IT'S NICE HAVING FRIENDS"

Eliryce

Monday na ngayon at nandito ako sa tapat ng office ni Miss Sullivans para sa coaching session namin dahil sa Friday na yung Competition. Hindi ko naman alam kung bakit kinakabahan akong kumatok, dahil siguro ay makikita ko ito. Wala ito kaninang first period dahil late na raw itong nakapasok pero pinadiretso ako dito ngayon ni Piper dahil nandito na raw ito sa office niya.

Bakit ba sobrang nanginginig ako sa kaba?

Dahil ba sa nangyari nung Saturday?

Napahawak tuloy ako sa labi ko, hanggang ngayon paulit ulit na nagri-replay sakin yung nangyari nung gabing yun.

Her soft and sweet lips..

Gosh Eliryce seriously, what are you thinking?!

Napahilamos naman ako sa mukha dahil simula rin nung Saturday ay wala akong maayos na tulog. Gaya nga ng sabi ko paulit ulit ko yung naaalala. Bawat yata ipipikit ko yung mga mata ko ay nakikita ko yung tagpong yun at hindi ko naman alam kung bakit.

Nung Saturday nga, nung makabalik ako sa loob ng bar ay pinilit kong kantahin ng maayos yung last song kahit alam kong lumilipad yung isip ko. Nag aalala pa nga sakin si Cross ng makita ako nitong nakatulala bago kami makauwi, buti nalang inihatid ako nito sa bahay dahil feeling ko talaga lumulutang lang ako nung time na yun.

Namangha naman ako sa laki ng kinita ko sa isang gig namin sa banda ni Cross. Sobrang dami raw na nagbigay ng tip at may nagtip pa raw na hindi nagpakilala at nagbigay ng fifty thousand pesos, over all na komisyon ko ay twenty thousand sa isang gabi lang. Maayos yung pagkakahati ni Cross ng bawat komisyon namin, nakikitaan ko na isa itong magaling na leader ng band nila.

Nabalik ako kasalukuyan ng biglang bumukas yung pinto ng hindi pa ako kumakatok. Nanlaki naman yung mga mata ko ng bumungad sakin si Miss Sullivans at ang signature look na pagtataray nito.

Biglang bumilis yung tibok ng puso ko ng magkasalubong yung mga mata namin. Hindi ko alam kung may naaalala ito nung gabing yun pero sana ay wala nalang.

"What are you doing there? You look like a fool." sabi nito sa akin at inirapan ako nito. Naglakad na ito papasok ng office kaya sumunod na ako agad.

Good sign naba yun na wala itong natatandaan nung Saturday?

Naupo ako sa sofa bed nito at pumasok naman ito sa room niya para siguro kunin yung mga papasagutan na naman nito sa akin.

Medyo nakahinga naman ako ng maluwag ng mawala ito sa paningin ko.

Bigla naman itong lumabas ng room nito at nagsalita kaya medyo kinabahan ako.

"About what happened last Saturday--"

"W-What happened po? Ano po ahm.."

Gusto ko namang sampal sampalin yung sarili ko ng bigla yung lumabas sa bibig ko.

Seriously Eliryce? Keep calm!

Masyado kang halata nakakainis ka self.

"Why are you asking me? You should know what happened that night." sabi lang nito at nagtatakang nakatingin sa akin.

Disturbance (EngLot)Where stories live. Discover now