𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 𝟸𝟶 : 𝙱𝚎𝚠𝚒𝚕𝚍𝚎𝚛𝚎𝚍

16.1K 634 471
                                    


DISTURBANCE
CHAPTER TWENTY - BEWILDERED

Eliryce

"Oh my gosh girl you look stunning!" bungad sakin ni Chantal ng matapos akong ayusan nung make-up artist na hinire nito. Suot suot ko na rin yung gown ko na tinernuhan ng stylist kanina ng white heels na komportable akong suotin.

Nagulat pa ako ng bigla ako nitong picturan gamit yung phone na hawak nito. Pinagpose pa ako nito sa pangalawang shot.

"Look! You're so beautiful!" sabi pa nito at excited na pinakita sakin yung picture na kuha nito.

"Look! You're so beautiful!" sabi pa nito at excited na pinakita sakin yung picture na kuha nito

ओह! यह छवि हमारे सामग्री दिशानिर्देशों का पालन नहीं करती है। प्रकाशन जारी रखने के लिए, कृपया इसे हटा दें या कोई भिन्न छवि अपलोड करें।

"T-Thank you." sagot ko rito at nagthank you rin ako sa make up artist na nag ayos sa akin.

"Kagandang bata." rinig ko pang sabi nito dun sa kapwa nito make-up artist.

"Ang ganda ganda ganda mo talaga Eliryce!" hindi matigil tigil na puri sakin ni Chantal, nakaayos na rin ito. Sobrang bumagay nga rito yung red gown na napili namin kahapon, nakalugay din ang buhok nito kagaya ng sa akin at bagay din yung make-up nito sa suot nitong gown.

"Maganda ka rin naman eh." puri ko rito pero mabilis ako nitong sinagot.

"Mas maganda ka, no-- higit na mas maganda ka talaga." natatawang sabi pa nito at niyakap ako.

Maya maya lang ay natapos na ring ayusan si Riva at lumapit na ito sa amin. Natawa naman ako bigla ng hindi makilala ni Chantal si Riva dahil sa aura nito ngayon.

"Alcantara? Is that you?" tanong ni Chantal dito at pumosing naman si Riva dito at nagflip hair pa.

Mukha itong sopistikadang babae, yung tipong yayamanin at sobrang ganda nito ngayon. Natatawa naman ako sa reaksyon ni Chantal dahil hanggang ngayon ay nakatanga pa rin itong nakatingin kay Riva.

"Laway mo malaglag." sabi ni Riva kaya nagtawanan naman kaming dalawa habang si Chantal ay inis na tiningnan ito.

"Ikaw nga talaga yan ang pangit ng bunganga mo eh." sabi naman dito ni Chantal.

"Girls? Are you ready?" bigla namang lumitaw si Phoebe at kaming tatlo naman yung namangha sa ganda nito.

Mas matured itong tingnan kesa saming tatlo, mukha talaga itong beauty queen para sakin.

"Wait is that you Rivs?" takang tanong din nito kay Riva.

"Yes of course ano ba kayo--"

"Siya yan Phoebs. Tanggapin nalang natin." sabat naman ni Chantal dito.

"Eliryce? Hala, akala ko dyosa kana kahapon pero ngayon may idyo-dyosa pa pala?" biro sakin ni Phoebe at tumango tango naman si Chantal bilang pagsang ayon.

Disturbance (EngLot)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें