𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 𝟸𝟿 : 𝚁𝚎𝚠𝚛𝚒𝚝𝚎 𝚃𝚑𝚎 𝚂𝚝𝚊𝚛𝚜

17K 639 503
                                    


DISTURBANCE
CHAPTER TWENTY NINE - REWRITE THE STARS

Eliryce

"Okay form a big circle guys!" sigaw ni Piper pagkatapos kami nitong i-grupo grupo sa ibang mga estudyante.

Nakagawa kami ng siyam na groups na may tag-sasampu na members, kasama ko si Cross sa grupo at pati na rin si Chloe at si Riva tapos yung anim naman taga ibang section. Yung first activity namin today ay Human Knot, yung parang Doctor Kwak Kwak kung saan pagbubuhulin kayo tapos ita-try kayong ayusin nung magiging 'Doctor' para maibalik kayo sa normal niyong pwesto. May mga iba pang estudyante na natira na mukhang magsisilbing tagabuo sa amin mamaya.

Nagsimula na kaming pagbuhul-buhulin ni Piper at pinahakbang hakbang kami nito sa kung saan saan hanggang sa hindi na kami makagalaw at magkakadikit na kami ngayon.

Tuwing magkakalapit nga kami ni Cross kanina nung binubuhol kami ay nagngingitian kami nito tapos kitang kita ko naman yung pagbusangot ni Chloe sa harapan namin.

"Okay ready naba lahat ng groups?" tanong ni Piper dahil yung ibang Members ng Student Council naman ay inayos na rin yung ibang groups, "Okay guys, so mayroon tayong pitong estudyante rito na natitira na mag aayos sa inyo ngayon. Since sampung groups kayo, I will assign Miss Sullivans and Miss Mendoza sa dalawa pang groups." explain ni Piper sa amin.

Napatingin naman ako sa gawi ni Miss Sullivans na kasalukuyang nakaupo lang sa upuan at parang tinatamad pa. Feeling ko tuloy napilitan lang itong sumama sa team-building event na ito eh.

Actually, kanina pa ngang umaga ito badtrip dahil may mga students kagabi na hindi sumunod sa curfew na nakatikim ng sermon dito.

"Okay, Miss Sullivans please guide this group po."
hindi naman ako makapaniwalang napatingin kay Piper ng ituro nito yung group namin, "And Miss Mendoza the other group po sa left side." instruct naman ni Piper kay Miss Mendoza, yung isa pang professor na nandito ngayon at kasama namin sa labas ng Villa.

Lumapit na sa amin si Miss Sullivans at walang ganang tumayo sa harap namin na parang naghihintay lang ng instructions ni Piper.

Buti nalang at makulimlim ngayon at mahangin din kaya hindi masakit yung araw sa balat. Pagkatapos naming magbreakfast kaninang alas nwebe ay pinadiretso na kami dito sa labas ng Villa para makapagsimula na raw kami sa activities namin ngayong araw.

"Okay, so the timer starts now!" sigaw ni Piper at hinipan na nito yung pito niya.

Agad namang lumapit si Miss Sullivans sa amin at tiningnan muna kami nitong mabuti bago ito nagdecide kung anong dapat gawin.

"Step here." sabi nito dun sa isang estudyante at sumunod naman agad ito dito, "You, step here also." tuloy tuloy na instruct nito sa amin.

"Don't let go of each other no matter what happens. I don't care if it hurts." sabi pa nito at ininstruct nito si Chloe na humakbang papalapit sa akin pero inirapan lang siya nito, "Miss Lawliet, step here." madiin na sabi ni Miss Sullivans dito kaya wala na itong nagawa kundi ang humakbang papalapit sa akin.

"Miss Evangelista, here." sabi nito sa akin at mabilis naman akong sumunod dito, dumako na ito sa iba pa naming kasama at nagpatuloy sa pag-aayos.

Kung kanina ay bored na bored ito, para naman itong naging competitive bigla dahil napansin kong mabilis kami nitong inaayos kumpara sa ibang grupo na hirap na hirap.

Disturbance (EngLot)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora