𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 𝟹𝟸 : 𝙶𝚒𝚟𝚒𝚗𝚐 𝚃𝚛𝚞𝚜𝚝

14.2K 612 237
                                    


DISTURBANCE
CHAPTER THIRTY TWO - GIVING TRUST

Eliryce

Today is Sunday, and I'm on a date again.

But this time, I'm with Cross at sigurado akong ito na yung pinaka-awkward na date na naranasan ko. Actually, we are on a double date again-- with Miss Sullivans and Kuya Theo.

I'm sitting in front of Miss Sullivans at kanina pa ito tingin ng tingin sa akin kaya hindi naman ako makatingin ng diretso dito.

"Eliryce, here's your food." maya maya ay inilapag na ni Cross sa harapan ko yung inorder kong food. Nahagip naman ng paningin ko kung paano umikot yung mga mata ni Miss Sullivans sa amin.

"T-Thank you Cross." sabi ko rito at nagsimula na kaming kumain.

Katulad nung unang double date, tahimik lang kaming kumakain ni Miss Sullivans habang nagki-kwentuhan naman sina Cross at Kuya Theo. Paminsan minsan ay sumusulyap ako sa kaharap ko at nahuhuli ko naman itong nakatingin din sa akin.

Ramdam na ramdam ko tuloy yung tensyon sa pagitan namin ngayon.

"Babe, here." maya maya lang ay may inilagay si Kuya Theo sa plate ni Miss Sullivans, fish pala na hinimay niya na para rito.

"Thanks babe." sabi naman nito kay Kuya Theo at mabilis itong tumingin sa akin kaya mabilis akong yumuko.

Ito na naman yung paninikip ng dibdib kong hindi ko maipaliwanag. Paano ba naman, kanina pa sila sweet sa harapan ko mula pagpasok namin dito ni Cross nakita ko na silang nagtatawanan, it's like they're having a good time together.. on their own.

The sudden realization hit me--what we're doing was wrong, and I couldn't believe myself that I'm actually contented with it. So stupid.

"So Eliryce, I actually wanted to ask you some questions.." biglang sabi ni Kuya Theo sa kalagitnaan ng pagkain namin kaya mabilis akong nag-angat ng tingin para tingnan ito, "Actually, this was the very first time na may nakilala akong friend ni Celeste so I'd like to know you even more." nakangiting sabi nito sa akin.

Nahagip naman ng mga mata ko yung pagtingin ni Miss Sullivans kay Kuya Theo as if may nasabi itong importanteng bagay tungkol sa kaniya, "Friend?" tanong nito kay Kuya Theo.

"Yeah, she's your friend right? I think you're really close." sabi nito kay Miss Sullivans, "I really like Eliryce for Cross actually so I think magandang opportunity na rin ito for them to get to know each other more." sabi pa ni Kuya Theo rito.

Tiningnan ko lang si Miss Sullivans kung may sasabihin pa ito pero hindi na ito umimik at ibinalik nalang niya yung atensyon niya sa pagkain.

"So Eliryce, can I ask some questions?"

"Yes po Kuya Theo no prob--"

"You don't have to answer some of his questions if you don't want to." seryosong sabi naman ni Miss Sullivans sa akin at tiningnan ako nito.

"Well ahmm.. how about this? All of us can share anything about our lives or our family backgrounds. Kahit ano lang, para lang mas magka-idea pa tayo lalo sa isa't isa." sabat naman ni Cross.

Disturbance (EngLot)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt