𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 𝟷𝟻 : 𝙰𝚝 𝚃𝚑𝚎 𝙷𝚘𝚜𝚙𝚒𝚝𝚊𝚕

13.1K 517 10
                                    


DISTURBANCE
CHAPTER FIFTEEN - AT THE HOSPITAL

Eliryce

"Are you his guardian? Are you somehow related to the kid?" tanong sakin ng isa sa mga Doctor sa hospital kung saan sinugod si Yohan.

Pansin na pansin ko naman yung mga tao na nakatitig sa akin, basa pa rin kasi ako hanggang ngayon. Medyo nanginginig nga ako sa lamig dahil malamig dito sa loob ng hospital. Mukhang private hospital kasi ito dahil halatang mayayaman yung mga naka-admit at yung mga tao sa reception.

"Hindi po Doc. Ahmm-- former private tutor lang po ako nung bata." alanganing sagot ko rito.

Tiningnan lang ako nito bago tumango tango.

"We need to contact his guardian para sa admission fee, need kasi mabayaran yun bago siya ma-admit para mas mabantayan yung condition niya. Mataas kasi masyado ang lagnat ng bata, Iha."

"Hindi ko rin po kasi ma-contact yung guardian niya." sabi ko rito, "Is there any way po para ma-admit na po yung bata? Pwede ko po bang bayaran muna yung admission fee?" tanong ko rito.

Gusto kong sa lalong madaling panahon ay maasikaso na ito. Sa itsura palang kasi nito ngayon ay halatang sobrang taas ng lagnat nito at sobrang tamlay nito. 

"Well, yes. Pwede mo naman i-shoulder muna yung admission fee." sabi ni Doc sa akin at may ibinigay itong slip, "Ipakita mo nalang yan sa counter Iha. Ipapa-arrange ko na yung room kung saan siya mai-aadmit." dagdag pa nito.

"Sige po, thank you Doc."

Naglakad na ito papalapit kay Yohan at nginitian ko naman si Yohan to assure him na magiging okay ang lahat.

Nang makaalis na yung mga ito ay naglakad na ako papunta sa counter. Medyo mahaba haba yung pila kaya panay ang tingin sa akin nung mga tao dahil sa itsura ko ngayon. Hindi ko nalang pinansin yung mga ito at niyakap ko nalang yung sarili ko.

Tiningnan ko naman yung slip na binigay ni Doc at saglit akong nagulat sa admission fee na nakalagay dun. Eight thousand pesos yun dahil standard na yung room, which is tingin ko deserve naman ni Yohan. Buti nalang at may natira pang twelve thousand dun sa sinahod sa akin ni Miss Sullivans nung nakaraan.

Nang makarating ako sa pinakaunahan ay agad na akong nagbayad at ibinigay ko na rito yung pera kong medyo basa dahil sa ulan, para makasunod na agad ako kay Yohan. Gusto kong bantayan yung bata at hindi ito iwan hangga't wala pa si Miss Sullivans.

Nang makapagbayad na ako ay naglakad na ako papunta sa kwarto nito na nakalagay sa resibo. Habang naglalakad ay kinuha ko ulit yung phone ko para tawagan si Miss Sullivans pero nakapatay pa rin yung phone nito. Nag iwan ako ng message dito kung sakali para mabasa niya agad, nagmessage rin ako kay Yaya Mel tungkol sa lagay ni Yohan.

Nang makarating ako sa room ni Yohan ay kumatok lang muna ako at pinagbuksan naman agad ako ng isang nurse kaya pumasok na ako sa loob.

Bumungad sakin si Doc na hinihipo yung noo ni Yohan at kinukuhanan ito ng temperature.

"Doc kamusta po ang lagay ng bata?" tanong ko rito.

"Well, Yohan is sufferring from severe fever and also show some signs of common cold. However, there's no sign of sinus infection so he won't need antibiotics." explain nito sa akin, "I will be giving you a list of his prescription medicines. Mabuti nalang at may record na rito si Yohan so hindi na tayo masyadong mahihirapan na alamin kung anong gamot hiyang ang bata. May contact number na rin kami ng guardian niya so we will try to contact her also." sabi nito sa akin kaya tumango tango ako.

Disturbance (EngLot)Where stories live. Discover now