𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 𝟹𝟽 : 𝚂𝚑𝚊𝚝𝚝𝚎𝚛𝚎𝚍

15K 523 403
                                    


DISTURBANCE
CHAPTER THIRTY SEVEN - SHATTERED

Eliryce

"Hey Ryce, are you okay?" napatingin ako kay Riva ng huminto ito sa paglalakad. Kasalukuyan kasi kaming naglalakad ngayon sa sidewalk ng University. Monday na ngayon, resume na ng classes namin.

"Y-Yeah. I'm okay." I faked a smile at nagpatuloy na kami sa paglalakad ng tanguhan ako nito.

Dahan dahan kong inilabas yung phone ko sa bulsa ko at mabilis ko yung tiningnan.

Still no messages and even a single call.

It's been two days simula ng makauwi ako from Ilocos, two days na rin simula ng huli ko itong makita at makausap. I tried texting her and calling her pero nakapatay ang phone nito and I'm starting to get worried.

I still don't believe na walang meaning yung unknown call na natanggap nito last Friday pati na rin yung sinasabi nitong chain messages. I knew there's something wrong, pero hindi ko alam kung ano yun so I'm going to find out later dahil magkikita naman kami nito mamaya sa first period. I'll try to talk to her during lunch time also.

"Ako lang ba o nakatingin talaga sila sa atin?" biglang tanong ni Riva kaya napatingin ako sa paligid namin.

Some of the students are staring at us.

"Sa atin ba?" tanong ko kay Riva.

"Yeah.. I think so." takang sagot nito sa akin.

Binilisan namin sa paglalakad at napansin nga naming nakatingin yung iba sa gawi namin, boys and girls. I suddenly felt strange, I mean why are they staring at us? And to whom exactly? Kay Riva ba o sa akin?

Bago pa man kami makarating sa tapat ng building namin ay nagulat kami ng may biglang humatak samin pareho ni Riva.

"What the hell--"

"It's me, Piper. Calm down, girls."

Nakatago kami ngayon sa gilid ng building namin, at takang taka kaming nakatingin kay Piper na tumitingin sa paligid.

"What's happening?" tanong ni Riva dito.

"I'll tell you guys, later. You should come with me first." baling nito sa amin.

"But we still have classes." sabi ko rito.

"Worry about your classes later, okay? Especially you, Eliryce." seryosong sabi nito sa akin, "For now, just follow me." dagdag pa nito kaya tumango tango kami parehas ni Riva dito.

After a few minutes, napansin naming kaunti nalang yung mga estudyante sa sidewalk kaya mabilis na kaming pinasunod nito sa kaniya. Naglakad kami papunta sa Main Campus at dumiretso kami sa Student Council Room kung saan bumungad naman sa amin sina Phoebe, Chantal at Cross na naghihintay sa amin.

Okay.. what's really happening?

"Eliryce!" nagulat ako ng bigla akong yakapin ni Chantal ng makapasok kami sa loob ni Riva.

"What are you guys doing here?" takang tanong ni Riva sa mga ito.

"Eliryce," ibinaling ko yung tingin ko kay Phoebe ng humiwalay sa pagkakayakap sakin si Chantal dahil mukhang seryoso ito, "Haven't you guys heard the news? Or hindi man lang ba kayo nag-oopen ng social media accounts niyo?" seryosong tanong nito sa amin ni Riva.

Disturbance (EngLot)Where stories live. Discover now