𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 𝟷𝟷: 𝙲𝚘𝚊𝚌𝚑𝚒𝚗𝚐 𝚊𝚗𝚍 𝙶𝚒𝚏𝚝𝚜

15.7K 586 264
                                    


DISTURBANCE
CHAPTER ELEVEN - Coaching and Gifts

Eliryce

"Eliryce, pinapatawag ka raw sa Mathematics Club. Pumunta ka na raw ngayon." bungad sakin ni Phoebe na kakaupo palang sa seat nito.

Pinapatawag? Ako?

Akala ko ba disqualified ako?

O baka pagagalitan ako ganoon.

Sabagay, pupunta rin naman ako sana dun mamaya para magtanong about sa nangyari kahapon.

Tumango ako kay Phoebe at nagpaalam na sa kanila at agad na naglakad papalabas ng classroom. Maya maya lang ay nakarating na agad ako sa labas ng building namin at agad na akong nagdirediretso papunta sa Main Campus.

Pagkadating ko sa Main Campus ay wala na akong sinayang na oras at dumiretso na agad sa Mathemarics Club. Kumatok muna ako ng tatlong beses at narinig ko naman na pinapapasok na ako kaya pumasok nalang ako agad.

"G-Good morning." bati ko sa isang President ng Student Council President na si Piper, alam kong ito yungPresident ng Student Council dahil sa pagkakaalam ko kapatid ito ni Phoebe.

Oo, nakababatang kapatid ito ni Phoebe. Katulad ng Ate niya, mabait ito dahil palaging may ginagawa itong iba't ibang projects sa University para mas masayang mag-aral dito. Nasabi rin samin ni Phoebe na close sila nito.

Mas maganda pala ito sa malapitan, para itong mas batang version ng kapatid niya.

"Good morning, you're Miss Evangelista right?" nakangiting tanong nito sa akin kaya tumango naman ako.

"Well, I must congratulate you. You are the chosen participant for this year's Math Quiz Bee." sabi nito at ngumiti sa akin kaya nagtaka naman ako.

Ha? Akala ko ba disqualified ako?

"Akala ko disqualified ako? Kasi diba kahapon--"

"Well, about that. Yes, na-disqualified ka talaga for the first place position dahil ahmm.. 'No Show' ka during the presentation ng mga nanguna sa Exam pero Miss Sullivans told us na hindi ka na raw nakabalik dahil masama raw ang pakiramdam mo." explain nito sa akin.

Masama raw ang pakiramdam? Nino? Ako?

Sinabi ni Miss Sullivans 'yun?

So meaning ba non..

"Actually, you should thank her. Personal pa siyang pumunta dito sa Mathematics Club kahapon para sabihin lang yun at hindi ka madisqualified. She even asked the Dean about it." sunod sunod pang explain nito sa akin.

"Wait can I ask what time is it? Yung pumunta siya rito yesterday?" tanong ko dito.

"Hmm I think around 4pm." sabi nito.

Nakita niya na kaya ako na natutulog sa bakanteng classroom before 4pm at hinayaan niya lang ako matulog doon? O nakita niya nalang ako dun nung 5pm na mismo?

Pero either way, bakit niya naman gagawin yun?

Hay ewan, hindi tuloy ako makapaniwala.

Disturbance (EngLot)Where stories live. Discover now