𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 𝟾: 𝚈𝚘𝚑𝚊𝚗

14.7K 558 137
                                    


DISTURBANCE
CHAPTER EIGHT - YOHAN

Eliryce

"Eliryce! Riva!" napatingin kami ni Riva kela Phoebe at Chantal na ngayon ay naglalakad na papalapit sa table namin.

Kasalukuyan kaming nasa food court ng isang Mall dahil Sunday ngayon, since wala kaming volunteer day sa orphanage at day off din ni Riva ay naisipan naming magbonding man lang. Nauna kami ni Riva na dumating at nagpasya kaming hintayin nalang ang mga ito sa food court.

"Wala pa si Cross?" tanong ni Chantal samin ng umupo ito sa tabi ko.

Niyaya rin pala ng mga ito si Cross na hanggang ngayon ay wala pa dahil nagmessage ito kanina na baka mahuli ito ng dating dahil may importante lang daw ito na inasikaso.

"Wala pa." sagot naman dito ni Riva na busyng busy na naglalaro ng games sa phone nito.

"Arcade muna tayo?" tanong sa amin ni Phoebe na umupo sa tabi ni Riva.

"Oo miss ko na mag-arcade!" masiglang sagot naman dito ni Chantal.

Maya maya lang ay dumating na si Cross at pansin ko naman agad yung mga tinginan dito ng mga tao lalong lalo na yung ibang mga babae. Simpleng hoody at shorts lang ang suot nito pero mukha talaga itong artistahin kaya hindi ko rin sila masisisi.

"Gosh, ilang beses ko na bang nasabi na ang gwapo niya?" bulong sa amin ni Chantal habang tinitingnan ito na naglalakad papalapit sa amin.

"Mga ilang beses na, nakakaumay na nga eh." sagot naman dito ni Riva na hindi iniaalis ang tingin nito sa nilalaro nitong games.

Nang makalapit na si Cross sa amin ay umupo ito sa tabi ko bale pinagitnaan nila ako ni Chantal dahil malaki yung space sa naupuan ko.

"Sorry na-late ako. Ililibre ko nalang kayo sa arcade." sabi agad nito ng makaupo.

"Ako kaba wala yun--"

"Libre? Sige ba." putol ni Riva sa sasabihin ni Chantal.

"Kahit kailan ka talagang babae ka!" piningot ni Chantal yung tenga ni Riva at sabay sabay naman kaming nagtawanan.

Nagpasya na kaming pumunta sa Arcade at pagpasok palang namin ay napansin na agad namin na sobrang daming tao. Niyaya ako ni Cross na kami na ang bumili ng tokens at pumayag naman akong samahan ito.

"Magkano ba bibilhin natin?" tanong sakin nito bago naglabas ng isang libo, "Okay na ba yung one thousand pesos na tokens?" tanong nito kaya natawa naman ako.

"Seryoso one thousand?" tanong ko rito.

"Oo bakit kulang paba yun?" tanong nito ulit sakin na natatawa rin.

"I mean-- ahmm sobra sobra na kasi yung 1k." sagot ko ulit dito.

Nagpasya kaming bumili muna ng worth five hundred pesos na tokens para hindi masayang, kung sakali bibili nalang kami ulit pag kinulang. Lumapit na kami sa counter kung saan pwedeng bumili ng tokens.

"Ahmm Hi, we would like to buy tokens. Worth five hundred pesos po." sabi ni Cross sa lalaking staff.

"Five hundred pesos po? Ito po." binigay naman nito sa amin yung maliit na paper bag na may tag na 500 pesos sa labas na may lamang tokens, "Enjoy po sa inyo ng girlfriend niyo. May additional free twenty tokens po yan promo po for couples." dagdag ng lalaki na staff at bigla naman kaming nagkatinginan ni Cross at sabay na natawa.

Disturbance (EngLot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon