𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 𝟸𝟹 : 𝙳𝚒𝚜𝚝𝚛𝚊𝚌𝚝𝚎𝚍

15.2K 573 169
                                    


DISTURBANCE
CHAPTER TWENTY THREE - DISTRACTED

Eliryce

"No one can't even answer this?" inis na tanong ni Miss Sullivans sa buong klase. Halatang mainit na talaga ang ulo nito.

Monday na ngayon, kabalik lang nito ngayon sa klase dahil galing nga ito sa overseas summit nung nakaraang linggo. Last week naman walang nag substitute professor dito kaya free lang yung oras namin sa first period. Although, may binigay naman itong pointers to review kay Piper na paulit ulit niya ring ina-announce sa amin ay wala rin namang nakikinig kaya mukhang ito na ang resulta.

Nagtatanong na ito tungkol sa pointers and lessons na pinapareview samin nito habang wala siya last week at walang may gustong sumagot.

Maliban sa akin.

Oo, kanina pa ako actually nakataas ng kamay. Nareview ko naman kasi lahat ng ibinilin nitong pointers at lessons pero mukhang hindi rin nareview yun nila Riva dahil kakamot kamot ang mga ito sa ulo.

"Put your hand down Miss Evangelista." tumingin ito sa gawi ko at mabilis ko namang ibinaba ang kamay ko, "If you don't want to study, can you tell me why are you here then?" seryong tanong pa nito sa amin pero wala namang kahit na sino samin ang gustong sumagot dito.

"So you're all mute now?" tanong pa nito at biglang ngumisi, "How about starting tomorrow.. you'll report every single topics we have left, here in the front. One by one? How about that?"

Kitang kita ko naman kung paano magsi-react sina Riva at Chantal sa tabi ko pati na rin yung ibang mga estudyante sa unahan.

Bago pa man makapagsalita ulit si Miss Sullivans ay tumunog na yung bell senyales na tapos na ang klase nito. Naubos lang yata yung oras nito sa pagsesermon sa amin.

"I'll decide tomorrow. Kung wala pa ring makakasagot sa inyo ng questions ko except kay Miss Evangelista then be prepared for individual reportings." malinaw na sabi nito at nagsimula ng maglakad papunta sa pintuan, "Miss Evangelista, pass the attendance to me afterclass." pahabol pa nito at nag-abot ng yellow piece of paper sa unahan at tuluyan na itong lumabas.

"Hays ikaw kasi Riva eh!" singhal naman ni Chantal ng makalabas na si Miss Sullivans kaya napatingin ako sa kanila.

"Aba bakit ako?"

"Bakit kasi hindi ka rin nagreview? Eh itong si Eliryce nakapagreview naman."

"Aba eh sa may work ako after class noh."

"Huwag na kayong magsisihan. Magkanya kanya nalang tayong review mamaya." singit ni Phoebe sa dalawa.

Maya maya lang ay nagstart na rin yung second period namin. May pinasulat lang sa amin na mahaba at bukas pa naman daw idi-discuss yung topic. Nang matapos ako sa pagsusulat ay tumungo lang ako para paglaruan sa ilalim ng upuan ko yung dulo ng t-shirt ko.

Pumapasok sa isip ko na habang araw araw akong napapalapit kay Miss Sullivans ay may kakaiba akong nararamdaman dito na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maipaliwanag.

Maya maya lang din ay tumunog na ang pangalawang bell at lumabas na rin yung pangalawang professor namin.

"Eliryce, here." bumaling ako kay Cross na kumalabit sa akin mula sa likuran.

Disturbance (EngLot)Where stories live. Discover now