𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 𝟷𝟿 : 𝙶𝚊𝚕𝚊 𝙽𝚒𝚐𝚑𝚝 𝙿𝚛𝚎𝚙𝚊𝚛𝚊𝚝𝚒𝚘𝚗

14.6K 573 94
                                    


DISTURBANCE
CHAPTER NINETEEN - GALA NIGHT PREPARATION

Eliryce

It's been almost a week simula nung manalo ako sa Quiz Bee, sobrang dami kong natanggap na incentives mula sa University katulad ng free meal at extra allowance na makakatulong sa akin ng malaki.

Thursday na ngayon at bukas na ang pinakahihintay ng lahat ng Gala Night. Bilang paghahanda ay wala ngayong klase sa buong Uniersity pero required kaming pumasok dahil may ia-announce raw saglit ang Student Council.

Pagpasok nga namin kanina sa University ay busyng busy yung Student Council Members at pati na rin yung mga Utilities sa pagdadala ng mga designs and lightings dun sa Main Campus. Usap usapan naman sa buong University yung Gala Night bukas.

"Attention everyone!" kuha ni Piper ng atensyon naming lahat sa buong room kaya agad naman kaming napatingin dito.

"To make the night more exciting tomorrow, we convinced some of the 'popular' professors to have a special dance with some of our lucky students." unang sabi nito at rinig ko naman yung hiyawan ng ibang mga lalaking estudyante pati na rin yung tili ng ibang mga babae, "Yes I know you're excited dahil alam kong gusto niyo ring makasayaw yung ilan sa mga nagagandahan at nagagwapuhan nating professors dito sa University." dagdag pa ni Piper kaya mas lalong nag-ingay yung buong klase.

"So here's the thing, what we have here are two boxes as you can see." pakita nito sa dalawang box, "Each of the students will have a chance to draw one paper here kung saan may laman laman itong pangalan ng ating mga 'popular' professors and yung iba naman sa mga papel ay blangko lang. So sa madaling salita, you have atleast one in a thousand chance para maisayaw ang isa sa kanila."

"So dito sa pink box, ang bubunot lang dito ay girls para makakuha ng chance maisayaw ang isa sa ating mga nagagwapuhang professors while dito sa blue box, boys naman ang bununot at ang laman naman nito ay ang mga pangalan ng ating mga nagagandahang professors dito sa University. So I know you're all busy about the incoming gala night so simulan na natin." huling explanation ni Piper at inutusan na nito yung ibang Student Council Member na magsimula ng iikot yung box para makabunot na kaming lahat.

"Oh my gosh! Kilala niyo ba si Sir Clinton? Yung poging professor sa Engineering Department? Sana mabunot ko talaga siya!" kinikilig naman na sabi ni Chantal sa amin.

"Oo gwapo nga yun." sang ayon naman ni Phoebe dito.

"Basta ako makasayaw ko lang kayo okay na." sabi naman ni Cross kaya napatingin kami rito.

"Sus sabihin mo itong pinsan ko lang ang makasayaw mo okay na." sabi naman ni Riva dito at nag-apir pa sila parehas ni Chantal.

"For sure maraming mag-aaya ng sayaw sayo Cross kaya maghanda ka na." sabi naman ni Phoebe kay Cross.

"Kayo syempre ang uunahin kong isayaw." napakamot naman sa ulo si Cross kaya nagtawanan kami.

"Okay sabi mo yan ah! Pero sana talaga mabunot ko si Sir Clinton siguro ako na ang pinakamasayang babae sa buong Gala Night pagnagkataon." si Chantal na kilig na kilig pa rin.

Natatawa lang ako sa kanila dahil wala naman talaga akong interes sa Gala Night na yan. Kaya lang talaga ako pupunta bukas dahil pinipilit nila akong umattend at syempre aattend din naman kasi silang apat kaya for sure mai-enjoy ko rin yun.

Disturbance (EngLot)Where stories live. Discover now