𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 𝟻: 𝙴𝚟𝚎𝚗

17.7K 664 137
                                    


DISTURBANCE
CHAPTER FIVE - EVEN

Eliryce

"Until now masakit pa rin yung ulo ko." napatingin ako sa gawi ni Chantal na hinihilot hilot yung sentido nito.

"May ulo ka kasi pero walang laman na utak." asar naman agad dito ni Riva.

Kakalabas palang namin ng changing room para sa last period namin ngayon for Physical Education. Every second week of the Month ay may meeting kami for this minor subject at required kaming mag-overall track suit para mas maging komportable kami sa pagkilos. Pangalawang linggo ko na rin dito na pumapasok ngayon sa Blackwell University, maayos namang tumatakbo lahat ng klase namin sa loob ng dalawang linggo.

Last class na namin ito ngayong araw, pagpasok na pagpasok namin sa gym ay namangha ako sa kabuuan nito. Sobrang laki nito at sobrang linis ng sahig na tila kumikintab pa dahil natatamaan ng ilaw. May mga players din ng basketball team na tila nag aayos na para makauwi, napansin ko rin ang malaking track and field sa labas ng gym.

"Sa haba ng quiz kanina feeling ko first period palang napagod na yung utak ko." nabalika ng pansin ko kay Chantal na patuloy pa rin sa pagrereklamo.

Nagtake kasi kami ng surprise long quiz kanina kay Miss Sullivans about sa mga naging topic namin nung nakaraang linggo. Ako ang pinakaunang nagpasa ng answer sheet dito dahil natapos ko agad yung quiz sa loob ng limang minuto.

"On the other hand, parang minani lang ni Eliryce yung quiz kanina. Sana talaga lahat." sabi pa ni Chantal sa akin.

"Hindi naman eh, mahirap naman talaga." nahihiyang sagot ko rito.

"Guys, line up already. I heard paparating na yung instructor natin." naagaw naman ang atensyon namin ni Phoebe na kakapasok palang ng gym. Sumunod naman na sumulpot si Cross na nakapagpalit na rin ng track suit.

"Gosh, ang gwapo talaga." bulong ni Chantal sa amin ni Riva na katabi na nitong tumayo para pumila.

Makalipas ang ilang minuto ay narinig na agad namin ang pagbukas ng pintuan ng gym at iniluwa nito yung instructor namin na first time palang namin itong makikita.

Nanlaki ang mga mata namin ng maglakad sa harapan namin si Miss Sullivans na ngayon ay nakasuot din ng overall tracksuit at may hawak din itong pito sa kanang kamay niya.

Ang lakas pa rin ng aura nito kahit nakasuot lang ng simpleng track suit. Ang unfair talaga ng mundo.

Nanatiling tahimik lang kaming lahat dahil hindi namin inaasahan na ito rin ang magiging instructor namin para sa minor subject na ito. Nagkatinginan namang kaming magkakaibigan na parang hindi makapaniwala. Napansin ko pang nagsisikuhan yung ibang mga lalaki na kaklase namin pati na rin yung iba pang mga players na natira sa gym habang chinicheck out yung katawan ni Miss Sullivans dahil sa suot nito ngayon.

Nang makarating si Miss Sullivans sa harapan ay umupo lang ito sa isang bakanteng upuan. Tiningnan lang kami nito at hindi nakatakas sa akin ang pagbuntong hininga nito bago magsalita.

"I know some of you are dissapointed about me handling this minor subject of yours but the feeling is mutual. You guys don't need to worry, I'm just here as a substitute instructor because unfortunately Mr. Vergara, your real instructor was suddenly hospitalized." explain nito at tumayo sa kinauupuan nito, "But I want you all to take this minor subject seriously because this will also serve as a key para masecure niyo na makapasa kayo this year. Is that all clear?" tanong nito sa amin.

"Yes Miss Sullivans." sabay sabay naming sagot dito.

"Now since wala pa naman tayong susundan na proper activities I'll just let you run around the whole court for three lapses. That will serve as your attendance for today. You may start now." utos nito sa amin at naglakad papunta sa starting line na itinuro nito kung saan kami magsisimulang tumakbo.

Disturbance (EngLot)Where stories live. Discover now