𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 𝟸𝟾 : 𝚂𝚞𝚗𝚜𝚎𝚝

15.5K 605 163
                                    


DISTURBANCE
CHAPTER TWENTY EIGHT - SUNSET

Eliryce

"Laki ng budget ng University ah!" bungad na sabi ni Riva ng makita namin yung malalaking buses na nasa campus grounds. Tatlong buses yun na malalaki na modern ang designs at aiconditioned.

"Nasabi nga rin sa akin ni Piper na maganda raw yung Villa na pupuntahan natin." sabi naman ni Phoebe.

"Excited na ako!" tili naman ni Chantal at tuwang tuwa na itong naunang maglakad sa amin.

Nakita naman namin na mahaba na yung pila dun sa desk ng Student Council Members sa unahan. Mukhang need yata pumila doon para makapagpalista ng pangalan yung mga sasama ngayon team-building event.

Nang makalapit kami doon ay pumila na kami agad para makapagpalista habang dala dala yung mga bag at maletang dala namin.

"Parang dinala mo na yata yung buong bahay niyo Chantal." natatawang sabi ni Riva kay Chantal na may dala dalang tatlong malalaking bagahe.

"Aba mahirap na noh, for emergency. Mamaya kayo pa magmakaawa sakin para pahiramin ko kayo ng damit noh." sabi naman ni Chantal dito.

"Ahh basta excited na tayo sa magiging reaksyon ni Cross sa two piece ni Eliryce." sabi naman ni Phoebe at nag-apiran ang mga ito kaya alanganin akong ngumiti.

"Nasaan na pala yun si Harrington?" tanong ni Riva at bumaling ito sa akin, "Wala pa siya Ryce?" tanong nito.

"Wala pa eh, wala naman message." sagot ko rito.

Naputol yung pag uusap namin ng biglang may magkagulong mga estudyante sa unahan-- nagtutulakan ang mga ito at naririnig ko na nagbabangayan.

"Ano ba yan pag ito talaga hindi natuloy dahil sa mga yan nako talaga." sabi naman ni Chantal sa tabi ko.

"Wait nga check ko nga si Piper." sabi naman ni Phoebe at lumapit ito dun sa unahan.

Mga ilang minuto lang ay natigil yung kaguluhan nila ng marinig namin yung boses ni Miss Sullivans.

Agad naman akong napatingin sa unahan at nakita ko itong naglalakad papalapit sa mga estudyante na nagkakagulo kanina at ibinaba nito yung shades na suot suot niya-- wait don't tell me kasama ito ngayon sa team-building event?

May dala itong isang malaking maleta kaya napailing iling nalang ako at ibanaling na lang yung tingin sa kung saan.

Tandang tanda ko pa rin yung nangyari kagabi, yung moment na yun, yung malambot na at matamis na labi nito-- at yung katangahan ko.

Yung katangahan ko na hinayaan kong mangyari yung kagabi, hindi na yun smack dahil hanggang ngayon paulit ulit pa ring nagrereplay na parang sirang plaka sa ulo ko yung tagpong yun.

Natatandaan ko rin yung huling sinabi nito sa akin, na kalimutan raw namin yung nangyari.

Madali lang siguro sa kaniyang sabihin yun pero sakin na may nararamdaman sa kaniya, ay hindi.

Feeling ko talaga ang tanga tanga ko kagabi hays.

Pero okay lang, dahil dun may pumasok na sa isip ko. This time, hindi ko na ito hahayaan na gawin sakin yung mga ginagawa niya na hindi ko maintindihan. As much as possible, iiwasan ko talaga ito at kung hindi ko man ito maiiwasan.. sisiguraduhin kong I won't let her see na napaparanoid ako sa harapan niya o naaapektuhan niya ako. In that way, mas mabilis mawawala yung nararamdaman ko para dito. Naisip ko rin na gugulin itong team-building event na ito sa pagkakaroon ng time with Cross, para naman mas magkakilala pa kami nito lalo.

Disturbance (EngLot)Where stories live. Discover now