𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 𝟹𝟿 : 𝚁𝚎𝚟𝚎𝚕𝚊𝚝𝚒𝚘𝚗𝚜

14.9K 527 89
                                    


DISTURBANCE
CHAPTER THIRTY NINE - REVELATIONS

"You have no idea how important timing is until you meet someone who's perfect for you but you can't be together because of external forces which are out of your control."

─Word Forn

****

Four years ago..

"Just stay here, okay? Don't leave. I'm just going to check something." wika ng dalaga sa nakababatang kapatid nito na ngayon ay nasa ikalawang taon pa lamang.

"But Ate Celeste, I want to come with you. I want to meet Mommy and Daddy." pangungulit ng bata rito.

"Yohan, please. Just stay here. W-We'll meet them soon." nauutal na sabi ng dalaga sa bata dahil alam na nito ang reyalidad.

"Do you promise?"

"Yes, so be a good boy and just stay here, okay? Don't talk to strangers." huling paalala nito sa nakababatang kapatid.

Tumayo na ang dalaga at nagsimula na itong maglakad papunta sa reception. Dagsa ang tao ngayon sa lobby ng kilala at marangyang hospital, kakatapos lang ibalita sa iba't ibang telibisyon ang pinakamalaking balita ngayong hapon--- ang pagbagsak ng eroplanong sinasakyan ng napakaraming pasahero.

Bakas sa mga mukha ng tao ang takot at kaba dahil nakasakay sa naturang eroplano ang mga mahal nila sa buhay.

"Mom and Dad, please be alive. I-I don't know what to do." tanging nasambit ng dalaga habang patuloy ito sa pakikipagsiksikan sa napakaraming tao para makarating sa reception kung saan hawak nito ang listahan ng mga nakaligtas sa aksidente at ng mga nasawi.

Habang papalapit ito sa reception ay rinig na rinig na nito ang ilang hiyawan at iyakan ng ibang mga kaanak ng mga biktima. Hindi mapigilan ng dalagang manginig dahil sa sobrang kaba dahil ilang segundo mula ngayon ay malalaman na nito ang katotohanan.

"Surnames?" tanong ng receptionist sa dalaga ng tuluyan na itong makalapit sa unahan.

"S-Sullivans. They're my parents." nauutal na banggit ng dalaga sa apelyido nito.

Mabilis na hinanap ng receptionist sa listahan ang apelyido ng mga magulang nito. Nang mahanap niya yun sa listahan ay natigilan ito at ibinalik nito ang tingin sa dalagang kasalukuyang naghihintay ng magandang balita rito.

"I'm very sorry, Miss. They're.. dead."

Bumagsak ang balikat ng dalaga habang nakatingin ito sa receptionist at mabilis na tumulo ang luha sa mga mata nito.

"What? No.. M-Maybe it's not them."

"I'm very sorry." huling wika ng receptionist dito at tumalikod na ang dalaga rito.

Wala sa sariling naglakad ito papalayo habang patuloy na tumutulo ang luha sa mga mata nito. Hindi pa rin ito makapaniwala sa nangyari, kagabi lang ay magkakasama pa silang apat. Masasaya silang kumain sa hapag kainan pero ngayon--- wala na ang mga magulang nito.

Disturbance (EngLot)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt